Yamyam Gucong, masayang-masaya ang buhay pag-ibig kasama ang non-showbiz girlfriend

Marami ang pinahanga ni William Gucong o mas kilala bilang si Yamyam ang ‘Iskulit Bai ng Bohol’, sa kanyang pagiging masayahin, simple at totoong tao. Kaya hindi nakapagtataka na nasungkit ni Yamyam, ang titulo bilang Big Winner ng Pinoy Big Brother: Otso noong taong 2019.


Credit: @gucongyamyam on Instagram

Mula sa kanyang pagkapanalo ay dito na nagsimulang umarangkada ang kanyang karera, at mabigyan ng iba’t-ibang proyekto sa industriya ng showbiz. Tunay ngang malaki ang naging pagbabago sa buhay ni Yamyam simula ng siya ay Manalo sa talent reality competition na kanyang sinalihan.

At dahil sa kanyang ibinuhos na kasipagan at dedikasyon, ay nagkaroon na rin ito ng sariling bakeshop business sa Bohol na labis niyang ikinatuwa at ipinagpasalamat sa Panginoon.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yamyam gucong (@gucongyamyam)


Ngunit sa kabila ng kanyang tinamasang tagumpay sa buhay at sa industriya ng showbiz, ay nananatili pa rin ang pagiging simple at mapagpakumbaba ni Yamyam sa buhay na mayroon sya ngayon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yamyam gucong (@gucongyamyam)


Kinilala man siyang laki sa h!rap, ay ni minsan hindi niya ito ikinahiya, bagkus ito pa ang kanyang naging inspirasyon upang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.

Pinatunayan ni Yamyam na ang paglingon sa buhay na kanyang pinanggalingan, ang naghatid sa kanya sa landas na paroroonan. At isa na nga rito ang hindi niya pagtalikod sa taong nagpapatibok ng kanyang puso, na walang iba kundi ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Elaine.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yamyam gucong (@gucongyamyam)


Bago pa man manalo bilang Big Winner, ay tila nasungkit na ni Yamyam ang kanyang premyo sa pagdating ng kanyang kasintahan.

Kaya naman mula pa noon, hanggang ngayon ay nanatili pa ring matibay ang kanilang relasyon ni Elaine, at dahil ito sa kanilang pananampalataya sa Diyos na natatanging naging sentro ng kanilang wagas na pagmamahalan para sa isa’t-isa.


Credit: @gucongyamyam on Instagram

Patunay nito ang larawang ibinahagi ni Yamyam, na kung saan ay makikitang magkatabi ang dalawa, habang magka holding hands at sa likuran nila ay isang simbahan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yamyam gucong (@gucongyamyam)


“Gan’to lang ka simple yan eh, Mahal mo siya,mahal ka niya.At sa Panginoon, matindi ang inyong pananampalataya.”

Tulad ng mga tagahanga at supporters ni Yamyam, marami rin sa kanyang mga kaibigan ang todo supportive sa kanilang pagmamahalan ni Elaine.




Credit: @gucongyamyam on Instagram

Ilan sa mga ito ang 2nd Big Placer na si Kiara Takahashi, at ang former PBB housemate na si Argel Saycon.