Rodjun Cruz at Dianne Medina, ipinasilip ang masaya at bonggang Safari-Themed birthday party ng kanilang anak na si Baby Joaquin

Kahit magkasintahan pa lamang noon ang aktres na si Dianne Medina at aktor na si Rodjun Cruz, ay wala ng mapagsidlan ang suporta at pagmamahal na natatanggap ng dalawa mula sa kanilang mga tagahanga. Tila nga ang lahat na ay nakatutok sa kanilang love story, kaya naman ng humantong na sa kasalan ang kanilang matamis na pagmamahalan ay marami ang nagbunyi at nasiyahan para sa kanila.

Simula ng sila ay ikasal noong Disyembre taong 2019, ay talaga namang makikita ang labis na pagmamahal ng dalawa sa isa’t-isa, kaya ilang buwan pa lamang ang nakalipas ng sila ay ikasal, ay isang magandang balita na ang kanilang hatid sa publiko at ito nga ang pagbubuntis ni Dianne.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rodjun Cruz Ilustre (@rodjuncruz)


Sa pagdating ng kanilang cute na cute na baby boy na si Rodolfo Joaquin Diego Medina Ilustre III o si Baby Joaquin, ay dito na umikot ang mundo ng mag-asawa sa pag-aalaga at pagbibigay ng magandang buhay para sa kanilang anak.

Hindi maitatanggi na sa bawat litrato at videos ni Baby Joaquin na ibinabahagi nina Rodjun at Dianne sa social media, ay mababakas na dito ang taglay na kagwapuhan na namana nito sa kanyang mga magulang.



At lalo na ngayon na isang taong gulang na si Baby Joaquin ay talaga namang kahit baby pa lamang, ay paniguradong marami na ang napapahanga sa kanya.

At ngayon sa kaarawan ni Baby Joaquin, ay masayang ibinahagi nina Rodjun at Dianne ang milestone na ito sa buhay ng kanilang pamilya. Dahil ang kanilang napaka-cute at gwapong baby boy, ay nagdiriwang na ng kanyang ika-1st birthday nito lamang September 10.


Bilang paggunita sa espesyal na araw na ito ni Baby Joaquin ay naghanda ng isang magandang birthday party ang mag-asawa para sa kanilang anak. At makikita nga sa mga larawan at videos na ibinahagi ni Dianne sa kanyang IG, na isang safari-themed birthday party ang kanilang idinaos para sa kaarawan ni Baby Joaquin.

Magmula pa lamang sa table at backdrop design, pati na rin sa birthday cake, at sa kanilang kasuotan ay tila nagmistulang nasa isang jungle ang kanilang naging masaya at magandang set-up.

Kasabay ng kanilang bonggang safari-themed birthday party celebration ay makikitang nakasama rin nila sa naturang larawan ang ilan sa kanilang mga mahal sa buhay.


Samantala, nagbahagi naman sina Rodjun at Dianne ng kanilang birthday message para sa kaarawan ng kanilang anak.
Mensahe ni Dianne, “Happy 1st Birthday @babyjoaquinilustre love you anak! #JoaquinTurnsOne”.

Para naman kay Rodjun, ay isang answered prayer para sa kanilang mag-asawa ang pagdating ni Baby Joaquin sa kanilang buhay.




Aniya, ”You are my greatest blessing & Achievement! Hindi ko ma explain kung gaano kitang kamahal at kung gaano kami kasaya ng Mommy @dianne_medina mo na dumating Ka sa buhay namin. Answered prayer ka talaga namin at araw araw kaming nag papasalamat kay Lord God na binigay ka Niya samin.”