Pauleen Luna, proud na proud sa kanyang anak na si Tali na ngayon ay nag-aaral na bilang isang nursery student

Kinilala ang napaka-cute na si Tali Sotto sa kaniyang bibong personality at pagiging isang matalinong bata na labis na nagpamangha sa kaniyang mga tagahanga.


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Ngunit ngayon ang cute at bibong bata na si Tali ay handa nang harapin ang buhay ng pagiging isang estudyante. Nito lamang ika-10 ng Agosto ay proud na ibinahagi ng celebrity mom na si Pauleen Luna, ang panibagong milestone na ito sa buhay ng kanilang anak ng kanyang asawa na si Bossing Vic Sotto.

Hindi lamang magkaroon ng magandang buhay ang pangarap ng mga magulang sa kanilang mga anak, kundi masilayan at maibigay rin sa mga ito ang kanilang mga pangangailangan tulad na lamang ang makapag-aral sa isang maayos na paaralan.




Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Kaya naman si Pauleen ay masayang ibinahagi sa kanyang Instagram ang cute na litrato ni Tali, na syang ready at excited na sa kanyang unang araw ng klase sa nursery.


Makikita ang cute na cute na si Tali na may hawak na banner na ang nakalagay, “My First Day As A Little Apprentice S.Y. 2021-2022”.

Halos karamihan ngayon ay nasa panibagong mode of learning, at ang mga estudyante ay naka online class bilang pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral sa kabila ng [email protected]@ng nararanasan ngayon sa bansa.


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Kaya tulad ni Tali ay kasalukuyan rin syang naka online class at makikita ang excitement sa kanya na masilayan ang kanyang teacher at mga kaklase. Sa mga litrato na ibinahagi ni Pauleen, ay makikita ang malawak na ngiti ng kanyang anak na tila handang-handa na ito sa kanyang pag-aaral.


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Samantala, mayroon rin namang video si Tali na kung saan ay habang nasa online class, ay talagang nakikinig at sumusunod ito sa ginagawa at itinuturo ng kanyang teacher. Patunay lamang na sa kanyang mga ngiti, ay tila enjoy na enjoy si Tali sa kanyang unang araw ng pagpasok sa klase bilang isang nursery student.

At bilang isang ina, makikita ang pagiging supportive mom ni Pauleen sa kanyang anak, na kung saan ay tinernuhan nya pa ang suot ni Tali na damit.


Sa kanyang iniligay na caption, “Dress up like mom/dad to school day”

Masaya at proud na proud ang celebrity mom sa milestone na ito ng kanyang anak, na ayon pa sa kanya ay hindi niya alam kung ano ang dapat mararamdaman sa sobrang tuwa para kay Tali.




Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Aniya, “First day of Nursery School and i don’t know how to feel. I am so happy that this girl loves to learn and that she’s so excited about school! But also in disbelief that time flew by so fast and that she’s now in nursery!”.