Kim Chiu, ibinahagi ang first motorcycle experience kasama ang boyfriend na si Xian Lim

Kakaiba nga naman talaga ang hatid na kilig at saya kung ikaw ay may kasabay at kasama sa iyong mga trips, lalong-lalo na kung ang pag-uusapan ay mga exciting na ride adventures.

Dahil bukod sa masaya at nakaka-enjoy gawin ang mga ito ng may kasama, ay iba rin ang hatid sa pakiramdam na hindi lamang kayo magkasama sa hirap at ginhawa kundi pati na rin sa trip gawin ng isa’t-isa.


Credit: Kim Chiu PH Youtube Channel

Isa na nga rito ang celebrity couple na sina Kim Chiu at Xian Lim, na masayang namundok, at na-enjoy ang magandang view sa lugar na kanilang pinuntahan sakay ang motorsiklo ni Xian.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng karamihan na hindi sanay si Kim sa pagsakay ng motorsiklo, lalo pa kung malayo ang destinasyon na kanilang pupuntahan.




Credit: Kim Chiu PH Youtube Channel

Ngunit ika nga ng aktres, “for the Love of Xian”, ay kanyang sinabayan ang trip ng kasintahan na magmotorsiklo, sa kasagsagan ng katirikan ng araw sa daan.

“Kasi medyo nakakalalaki talaga yung pagmomotor, like pawis, init, walang make-up kasi may helmet, may face shield. But I did all of that, for the love of Xian, I trust Xian.”


Credit: Kim Chiu PH Youtube Channel

Ayon sa aktres, ay ito raw ang unang outdoor ride na gagawin nya ito kasama ang kasintahan, at kahit sobra mang kinakabahan sa kanilang motorcycle ride ay ginawa pa rin ito ng aktres upang mapasaya si Xian.

“It’s my first time to do outdoor ride with Xi.”

“Medyo kinakabahan ako, pero gagawin para masaya si Xi.”


Credit: Kim Chiu PH Youtube Channel

Sa kabila ng kanilang motorcycle ride, ay makikita naman ang pagrereklamo ni Kim, dahil bilang isang anemic ay hindi daw talaga biro ang init sa daan.

Aniya, “Nanghina ako talaga mga Kapamilya, sobrang hirap po talaga maging isang motorista.”

“Grabe naman ‘to parang hindi na mauulit tong pagmomotor ko na ‘to. Napakainit po talaga,” dagdag pa ng aktres.


Credit: Kim Chiu PH Youtube Channel

Ngunit na-haggard man at nakaramdam ng sobrang kainitan sa kanilang byahe ay isa pa ring “good adventure” ang kanilang ginawa, lalo na kung masisilayan lang rin naman ang napakagandang tanawin sa lugar na kanilang pinuntahan.

“that was a good adventure for today, after everything, do not give up dahil maganda ang view.”

“sobrang ganda ng experience, parang buhay lang.”

Samantala, hindi naman nakaligtas sa mata ng kanilang mga fans ang pagiging maalaga at sweet ng aktor na nagbigay kilig sa kanila, kung paano lagyan ng sapin sa likod ni Xian si Kim, kung paano ito suotan ng helmet at ipagbukas ng water bottle.




Credit: Kim Chiu PH Youtube Channel

Kwento pa ni Kim ay plano pa raw syang pagsuotin ni Xian ng leather jacket, na syang depensa naman ng aktor “para safe ka syempre.”

Ayon kay Kim, “Nag-enjoy naman ako kahit papaano. Pero mas happy ako na happy ka na sumama ako sa’yo. ’Yun na lang ang pinanghahawakan ko Xi, na sumama ako sa’yo.”