Kristine Hermosa, nakatanggap ng sweet birthday message mula sa kanyang asawa na si Oyo Sotto

Isa ang aktres na si Kristine Hermosa sa pinakamaganda at may maamong mukha sa industriya ng showbiz. Makalipas ang ilang taon ng siya ay huling masilayan sa telebisyon at ngayon na isa ng ina sa kanyang limang anak, ang likas nyang kagandahan ay talaga namang hindi kumukupas.


Credit: @osotto on Instagram

Kaya naman hindi maitatanggi na sa dami ng kanyang mga tagahanga at tagasuporta, ang kanyang asawa na isa ring mahusay na aktor na si Oyo Boy Sotto ang tanging nakabihag sa kanyang puso.

Kaya ng sila ay ikasal noong Enero 2011 sa Talisay, Batangas, dito na rin nagsimulang bumuo ng masayang pamilya sina Kristine at Oyo kasama ang kanilang mga anak na sina Kristian Daniel, Kaleb Hanns, Ondrea Bliss, Marvic Valentin, at ang bagong silang nilang anak na si Vittorio Isaac.




Credit: @osotto on Instagram

Sa kabila ng kanilang masayang pagsasama, ay bahagi na ng kanilang samahan bilang mag-asawa ang pagiging sweet at caring sa isa’t-isa. Tulad na lamang ang ika-38 na kaaarawan ni Kristine ngayong September 9, ay isang nakakakilig na mensahe ang ibinahagi ni Oyo Boy para sa kaarawan ng kanyang asawa.

Sa larawang ibinahagi ng aktor sa kanyang Instagram account, ay nagpasalamat si Oyo sa kanilang “ilaw ng tahanan” dahil sa pagmamahal at sakr!pisyo na ginawa nito para sa kanilang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Oyo Sotto (@osotto)


Ani ni Oyo, “Sa aming ilaw ng tahanan, maraming salamat sa lahat ng sakripisyo at pag mamahal mo sa amin. Sana naipaparamdam namin sayo ng ating mga anak kung gaano kami nagpapasalamat at kung gaano ka namin kamahal.”

“Nag papasalamat din kami dahil napakabuti ng Diyos sa buhay mo at nating lahat. Mahal na mahal ka namin @khsotto. Maligayang Kaarawan! Mahal kita.” dagdag pa nya.


Credit: @osotto on Instagram

Makikita naman sa comment section, na nagpahatid rin si Kristine ng kanyang pagmamahal sa asawa, sa pamamagitan ng naging reply nito na, “ramdam na ramdam ko. I LOVE YOU!”

Samantala, sa Instagram naman ay nagbahagi rin kanyang larawan ang aktres at inilahad nito na 12 taon na ang nakalipas nang hingin ni Oyo Boy ang kanyang kamay para sila ay magpakasal.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristine Hermosa-Sotto (@khsotto)


Ayon kay Kristine, “12yrs ago same day today.. noong naglakas loob kang mag-propose at naglakas loob akong umu-oo sayo 🥰 I thank the Lord for guiding us through — 38 years grateful pa-cheesy muna kami today. I love you @osotto #birthdaykopo”




Credit: @osotto on Instagram

Sa kabila nito ay pinasalamatan naman ng aktres ang lahat ng nakaalala at bumati sa kanyang kaarawan.

“Thank you to my family & friends who greeted really appreciate your thoughtfulness… Mahal ko kayong lahat!!! Napakabuti ni Lord.”