Jinkee Pacquaio, proud sa kanyang mga anak na babae na sina Mary at Queenie dahil sa kagustuhan nilang matuto ng mga gawaing bahay

Tradisyon na ng pamilyang Pilipino ang pakikipagtulungan ng bawat-isa pagdating sa mga gawaing bahay. Bukod kasi sa pamamaraang ito ay napapadali at napapabilis rin na matapos ang mga gawain. Ngunit gaano man kabilis ang takbo ng oras at paglipas ng panahon, tila ganoon din naman kabilis na mawala ang ganitong klaseng tradisyon.


Credit: @jinkeepacquiao on Instagram

Bukod kasi sa pagka-busy ng mga magulang sa trabaho, ay marami rin sa mga kabataan ngayon ang mas naibubuhos ang kanilang oras at atensyon sa paggamit ng mga gadgets.

Ganunpaman, hindi naman ito naging pamantayan pagdating sa pamilyang Pacquiao, dahil kahit busy man sa trabaho ang mag-asawang Sen. Manny at Jinkee Pacquiao ay nabibigyan pa rin nila ng oras na maturuan at sanayin ang kanilang mga anak pagdating sa mga gawaing bahay.




Credit: @jinkeepacquiao on Instagram

Tulad na lamang ang larawan at video na ibinahagi ni Jinkee sa kanyang Instagram account, na makikitang abala ang 2 sa kanyang mga anak na sina Mary at Queenie sa pagluluto.

Makikita na magkatulong ang dalawa sa paghihiwa ng mga gulay, pati na rin sa oras na kinailangan na nila itong lutuin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao)


Bilang isang ina, malaki ang pasasalamat ni Jinkee sa Panginoon dahil sa kanyang mga anak na willing matuto sa mga gawaing bahay lalo na sa pagluluto.

Ayon sa kanya, “Nagpapasalamat ako sa Panginoon sa dalawang batang ito na willing matuto lalo na sa pagluluto. Good job girlzzz. We miss you and we love you so much!”


Credit: @jinkeepacquiao on Instagram

Katuwang ang kanyang asawa na si Sen. Manny na magkasama nilang itinuturo sa kanilang mga anak ang kahalagahan ng pagkatuto sa mga gawaing bahay.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao)


Dahil para kay Manny, ayaw niyang lumaking matapobre at makalimot sa buhay na kanilang kinagisnan noon ang kanilang mga anak. Kaya kahit mga teenagers pa lamang ang mga ito, ay itinuturo na nilang mag-asawa ang mga dapat at hindi dapat gawin sa paglilinis ng kanilang bahay.