Luis Manzano, ibinahagi ang masaya at nakakatawang kwentuhan kasama ang kanyang mommy na si Vilma Santos

Punong-puno ng katatawanan at asaran ang naging heart to heart talk vlog ng Kapamilya host na si Luis Manzano, kasama ang “Star for all season” na ngayon ay politiko na, na si Congresswoman Vilma Santos-Recto.

Sa tagal ng naging pagho-host ni Luis sa industriya ng showbiz, ay marahil ito na ang pinaka espesyal na interview na kanyang ginawa, dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay magsasama ang mag-ina sa isang sit-down interview na may halong kwela at katatawanan.


Credit: Luis Manzano Youtube Channel



At dahil kasalukuyang nakatira ngayon si Luis at ang asawang si Jessy Mendiola-Manzano sa bahay ng kanilang Momski at Tito Ralph Recto, ay naisipan ng host na i-grab ang oportunidad na ito upang makausap at ma-interview si Ate Vi.

Sa pagsisimula pa lamang ng kanilang masayang kwentuhan ay makikita ng napuno agad ng katatawanan ang kanilang naging pag-uusap, lalo na ng kanilang balikan ang mga panahong kakapanganak pa lamang ni Vilma kay Luis.


Credit: Luis Manzano Youtube Channel

Tila pag-aamin nga ni Ate Vi, na noong panahong kakapanganak pa lamang nya kay Luis, ay hindi nya nagustuhan ang itsura ng anak sa una nitong tingin.

Aniya, “Oo! Totoo anak, kasi nung pinanganak kita, cesarean ako nung pinanganak kita. Nung dadalhin na ko para magpapa-breastfeed, dinala ako sa nursery. Pagdala sa nursery, hinahanap kita doon.”

“Tas may nakita ako dito na parang nilalagyan ng mga babies, napatingin ako ganyan tas sabi ko, ‘ang laki naman ng batang ‘to. Ang puti-puti, ang laki!’ Panget kasi wala siyang eyebrows, ang puti-puti na ang laki, parang anak araw. Sabi ko sa nurse, ‘nurse, nasan po yung anak ko?’ Sabi nya, ‘ayan.”


Credit: Luis Manzano Youtube Channel

Mas lalo pang umani ng katatawanan nang ikumpara ni Ate Vi ang sanggol na si Luis sa isang daga, na ang kanyang depensa naman ay sa unang tingin lamang ang kanyang naging reaksyon, dahil kalaunan ay nagwapuhan na rin sya sa kanyang anak.

Sa kanilang naging pag-uusap ay ibinahagi naman ni Vilma na bilang isang ina ay pinangarap niya umanong mabigyan ng isang simple at normal na buhay ang kanyang anak.


Credit: Luis Manzano Youtube Channel

“No privacy, hindi pa kita pinapanganak public property na ako. Hindi ko naibigay sa’yo yung ordinaryong buhay, na masarap din maging ordinaryo.”

“Sayang sana naramdaman ng anak ko na maging ordinaryo, naglalakad kami pamilya dyan sa kalye.”

Sa kalagitnaan ng kanilang kwentuhan ay hindi na napigilan ni Ate Vi ang maging emosyonal, nang maalala si Luis noon na masayang nagbibigay ng pagkain sa isang charity na napili ni Vilma na ipagdiwang ang kanyang kaarawan.




Credit: Luis Manzano Youtube Channel

“yung nakita ko yung anak ko na kasama na yung mga bata na abandoned children na who are in need of love, care, and then [nakikita ko] nag-eenjoy sila na nagbibigay ng pagkain.”

Tunay ngang hindi matatawaran ng kahit na anong halaga at materyal na bagay ang pagmamahal ng isang mabuting ina sa kanyang mga anak, at may malambot na puso na handang tumulong sa kanyang mga kapwa.