Jak Roberto at Barbie Forteza, ikinuwento ang kanilang hindi magandang karanasan bago makakuha ng kanilang ikalawang dose ng bakuna

Buong tapang na sinuong ng celebrity couple na sina Barbie Forteza at Jak Roberto ang sama ng panahon, upang makuha ang kanilang ikalawang dose ng C0VID vaccine.


Credit: Jak Roberto Youtube Channel

Sa latest vlog na ibinahagi ni Jak sa kanyang YT channel, ay makikita ang mga hindi magandang pinagdaanan nila ni Barbie para makumpleto ang kanilang bakuna. Dahil hindi lamang malakas na ulan, at matind!ng baha ang kanilang nalagpasan, kundi pati na rin ang biglaang pag lind0l ay kanila ring hinarap.




Credit: Jak Roberto Youtube Channel

“After driving through floods in the middle of the night, braving the storm, hoping for the earthquake to stop while waiting for the vaccination venue to open & standing in the rain until we were able to get seats inside.”

Sa kanilang biyahe papuntang vaccination site, ay dito na makikitang hinarap nina Jak at Barbie kasama ang ama ng aktres, ang matinding baha pagdating pa lamang sa kanilang kalagitnang byahe sa España Boulevard, sa Manila. At sa pag-aakalang nalagpasan na ang matind!ng baha, ay dito na rin nila unti-unting naramdaman ang paggalaw ng lupa.


Credit: Jak Roberto Youtube Channel

“Ang lakas ng lindol, umuuga lahat ng puno.”

“Struggle is real. Ngayon lang ako naka-experience ng lindol na gising. Nakakahilo pala na nakakasuka.”


Credit: Jak Roberto Youtube Channel

Kapansin-pansin na kahit naranasan na ang ganitong klaseng sitwasyon, ay makikita pa rin ang pagiging kalmado ng celebrity couple lalo na ang ama ni Barbie.

“Minsan, itinatawa nalang namin ang stress habang nakalusong ang sasakyan ko sa baha. Si Tito Tony ibang klase ang pagkakalmado habang lumilindol.”

Ayon kay Jak, hindi man naging maganda ang kanilang naging experience ay masasabi pa rin nilang, “worth it” ang kanilang mga pinagdaanan, dahil nakumpleto na nila ni Barbie ang kanilang bakuna.

“All in all, sobrang saya namin dahil naging worth it ang lahat ng pinagdaanan namin dahil nakumpleto na namin ang bakuna laban sa [email protected]@tay na v!rus.”




Credit: Jak Roberto Youtube Channel

Tunay ngang hindi naging biro ang pinagdaanan ng JakBie, ganunpaman, ay kanilang hinikayat ang publiko na magpabakuna na rin upang mabigyang proteksyon ang sarili at pamilya lalo na ang mga nagtatrabaho sa labas ngayong panahon.