Ethel Booba, nagbigay katatawanan nang magkunwaring may supresang regalo na napakagandang sasakyan para sa kanyang partner noong nakaraang Father’s day

Kinilala ang komedyanteng si Ethyl Gabison o mas kilala sa kanyang pangalan na Ethel Booba, bilang isang mahusay na singer, komedyante, at ngayon ay isa na ring certified vlogger.


Credit: Ethel Booba Youtube Channel

Sa industriyang tinahak ni Ethel sa pagpasok nya sa mundo ng showbiz, ay dito mas lalong nakilala ang komedyante dahil sa kanyang pagiging totoo at natural bilang TV personality. Kaya naman nang kanyang pasukin ang pagba-vlog, ay hindi kataka-taka na pumatok din sa masa ang kanyang mga videos, na talaga namang nagpahanga at nagpatawa sa kanyang mga followers.




Credit: Ethel Booba Youtube Channel

Tulad na lamang ang isa sa kanyang mga vlog na siyang nagbigay saya sa kanyang mga taga subaybay. At ito nga ay walang iba kundi ang Father’s Day vlog, na kanyang inihanda mismo para sa kanyang non-showbiz partner na si Jessie Salazar.

Bilang selebrasyon ng Father’s Day ay nagbakasyon sina Ethel sa isang hotel sa Cebu City, na kung saan ay nagpahanda sya ng isang munting sorpresa sa isa sa mga vacant rooms sa naturang hotel.


Credit: Ethel Booba Youtube Channel

At sa pagsundo ni Ethel kay Jessie papunta sa naka-setup na room ay makikitang bumungad sa kanya ang makukulay na balloons sa kama at isang chocolate cake.


Credit: Ethel Booba Youtube Channel

Makikita ang tuwa sa mukha ni Jessie sa inihandang sorpresang ito ng kanyang partner. Ngunit hindi pa dyan natatapos ang sorpresa ni Ethel, dahil pagdating sa parking lot ay ibinigay nya ang kanyang regalong prank para kay Jessie, na isang napakagandang Pickup truck.


Credit: Ethel Booba Youtube Channel

Buong akala ni Jessie ay para sa kanya talaga ang sasakyan, dahil makikita ang labis na pagkatuwa at pasasalamat, ngunit ang lahat ng ito ay bahagi lamang ng plano ni Ethel para i-prank ang kanyang partner.


Credit: Ethel Booba Youtube Channel

Makikitang excited pang drinive ni Jessie ang sasakyan, at tila sa kanilang pagbalik sa naturang hotel ay dito na niya nalaman na hindi pala para sa kanya ang pickup. Dahil ang sasakyang ito ay pagmamay-ari mismo ni Dave, na syang binili niya bilang Father’s Day gift sa kanyang tatay.

“Sa tatay nya to! Binili nya ‘to para sa tatay nya.”

At ng malaman ni Jessie na ito ay prank lamang, ay kapansin-pansin ang kanyang natatawang reaksyon na tila hindi makapaniwala na siya ay na-prank ni Ethel.

“badtrip ka naman babe,”




Credit: Ethel Booba Youtube Channel

Ganunpaman, ay ginawa ito ni Ethel para kanilang mapag-isipan dalawa kung anong sasakyan ang kanilang bibilhin, na siyang suggestion nya ay van dapat, na magagamit nila para sa mga gamit ng kanilang anak na si Baby Michaela.

“Madami tayong gamit diba? Dapat talaga ano, [yung] van [para] malaki.”