Ryza Cenon, ibinahagi ang cute na cute na larawan ng kanyang anak na si Baby Night na nagdiwang ng ika-9 months old nito

Napakabilis nga naman ang paglipas ng panahon, dahil tila parang kailan lang nang isilang ng aktres na si Ryza Cenon ang kanyang gwapong chinito na anak na si Baby Night, na ngayon ay nagdiriwang na ng kanyang ika-9 months old.


Credit: @iamryzacenon on Instagram

Sa pagdating ni Baby Night sa buhay ng aktres at kasintahang si Miguel Antonio Cruz, ay dito mas naging bukas si Ryza sa publiko. Lalo na pagdating sa pagbabahagi ng mga cute at adorable pictures ng kanyang anak sa social media.




Credit: @iamryzacenon on Instagram

Sa bawat buwan na lumilipas ay iba’t-ibang style at paraan ang ginagawa ni Ryza at ang kanyang partner, para mas lalong maging espesyal ang bawat litrato ng kanilang anak. At talaga namang hindi maitatanggi na sa kahit anong suot na cute baby outfit at wacky pictures ni Baby Night, ay likas na ang pagiging gwapo nito na siyang namana nya sa kanyang mga magulang.


Credit: @iamryzacenon on Instagram

Tulad na lamang ang cute na cute na pictures ni Baby Night, na nagmistulang isang astronaut sa kanyang baby outfit ngayong siya ay 9 months old na. sa mga litratong ibinahagi ni Ryza sa kanyang Instagram account, ay makikitang hindi nagpahuli ang kanyang anak pagdating sa pagpapa-cute sa camera at tila’y enjoy na enjoy sa suot nitong outfit.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ms. Ryza Cenon (@iamryzacenon)


“My little astronaut.. 🚀👩🏼‍🚀

Happy 9 Months baby boy. Ang bilis hehehe konti nalang mag 1 yr old ka na. Sana maging mabait kang bata habang lumalaki ka. We love you @iamnightcruz 😘❤️🥰”

Tunay ngang napakabilis ng panahon at ilang buwan na lamang ang bibilangin ay mag 1 year old na si Baby Night. Samantala, ay hindi rin naman pinalagpas ng mga netizen sang mga cute pictures na ito Baby Night at ibinahagi ang kanilang komento at paghanga sa anak ni Ryza.


Credit: @iamryzacenon on Instagram

“So adorable, baby..😍”

“Kapogi ng night night!! 💖”

“Cute cute bebe boy😍😍😍❤️❤️❤️”




Credit: @iamryzacenon on Instagram

Maliban sa napaka-cute na litratong ito ni Baby Night, ay makikita rin ang masayang family bonding nina Ryza at Miguel kasama ang kanilang anak habang enjoy na enjoy sa kanilang pagsi-swimming.

Hindi nakalagpas sa mata ng kanilang mga fans ang suot na cute swimsuit ni Baby Night, na tila naging isang baby shark sa suot nitong blue swimsuit.