Kim Chiu, ibinahagi ang kanyang bakasyon sa napakagandang resort sa Balesin Island, sa Quezon

Isa sa mga kilalang Kapamilya star na talaga namang hinangaan at iniidolo dahil sa galing at husay umarte, ay ang 31-taong gulang na aktres, mahusay na performer, at TV host na si Kimberly Sue Yap Chiu o mas kilala bilang si Kim Chiu.

Nagsimulang pasukin ni Kim ang mundo ng showbiz nang siya ay sumali sa Kapamilya reality game show, na kung saan siya ay itinanghal bilang grand winner ng “Pinoy Big Brother: Teen Edition” noong taong 2005. At sa tagumpay na nakamit ng aktres, ay dito na rin nagsimula ang kanyang karera at pinatunayan sa madla na siya lamang ang nag-iisang chinita princess ng Philippine Movie and TV.

At maliban sa kanyang husay sa pag-arte ay mas lalo pang hinangaan si Kim, dahil sa kanyang true beauty at magandang hubog ng pangangatawan. Kaya naman hindi kataka-taka na sunod-sunod rin ang kanyang mga TV commercials at product endorsements.

Balance diet at proper exercise ang naging sikreto ni Kim sa kanyang magandang hubog na pangangatawan, na siyang nagsilbing inspirasyon rin para sa kanyang mga fans. Kaya sa tuwing magbabakasyon ang aktres sa isang magandang lugar, ay inaabangan na ng karamihan ang kanyang mga OOTD pictures.

Tulad na lamang ang mga latest photos ni Kim sa kanyang Instagram account, ay makikita ang masayang bakasyon ng aktres sa Balesin Island, sa Quezon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)


Sa bawat litrato ni Kim ay talaga namang mamangha ang marami sa kanyang beach body, at kapansin-pansin ang magandang hubog na katawan ng aktres habang suot ang kanyang mga swimsuit.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)


Tila enjoy na enjoy si Kim sa kanyang munting bakasyon sa isla at sinulit ang panahon na makapag-relax at ma-enjoy ang ganda at tahimik ng lugar.

Samantala, ay bumuhos naman ang papuri at komento mula sa mga fans ng aktres, at hangang-hanga sa s3ksing pangangatawan ni Kim.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)


“Panalo talaga ang QUEEN 🔥🔥🔥”

“GRABE NAMAN YAN OH ❤️🔥”