Jake Ejercito at anak na si Ellie, sinulit ang masayang bonding time sa Siargao bago magbakasyon ang anak sa Manila

Panahon na ulit upang pansamantalang magpaalam ang Happy Islanders kay Ellie, dahil isang panibagong buwan muli ang siyang hihintayin upang sila ay makumpleto ulit. Dahil ito na ang muling pagbabalik ni Ellie sa kanyang city life, para makasama at maka-bonding ang ama na si Jake Ejercito.


Credit: @unoemilio on Instagram

Hindi naging lingid sa kaalaman ng iba na nasa poder ng aktres na si Andi Eigenmann ang kanyang panganay, at sa tuwing nasa isla si Ellie at dahil sa siyudad naman ang tirahan ng kanyang daddy, ay tanging pakikipag-usap sa text ang kanilang naging way of communication sa isa’t-isa.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by jake ejercito (@unoemilio)


Kaya naman sa tuwing magbabakasyon si Ellie sa Manila kasama ang kanyang Daddy Jake, ay tila labis nilang nasusulit ang pagkakataong magkasama at maka-bonding ang isa’t-isa. Kitang-kita sa mga larawang ibinahagi ng aktor sa kanyang Instagram account ang masayang pagkikita nila ng kanyang anak sa isla ng Siargao.


Credit: @unoemilio on Instagram

Matatandaang noong buwan ng May, ay tila naging emosyonal si Jake sa kanilang paghihiwalay ni Ellie, na makikitang magkayakap ang mag-ama habang sila ay nasa airport. Kaya naman ngayon sa kanilang father-daughter bonding moment, ay makikitang magkasama na muli ang dalawa at bago lumipad patungong manila, ay sinulit muna nila ang oras na makapag-bonding sa isla.

Sa mga larawang ibinahagi ni Jake sa kanyang Instagram account ay makikita ang masasayang litrato nila ni Ellie at ang ilan sa kanilang masayang bonding moments habang nasa beach.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jake ejercito (@unoemilio)


“Collecting the offspring (aka my textmate so cold she could give me hypothermia) pt. deux!”

Kuha mismo sa bawat litrato na hindi lamang nag-enjoy sa beach ang mag-ama, kundi pati na rin ang pagsu-swimming sa pool ay hindi rin nila pinalagpas. Mayroon din naman nakakatawang litrato sila Jake at Ellie, na habang nakahiga ang aktor sa lap ng kanyang anak, ay inakala nitong siya ay bibigyan ng kissni Ellie na tila kabaliktaran naman ang nangyari, dahil ayon umano sa kanyang caption ay, “turns out, she was only wiping off her snot.”




Credit: @unoemilio on Instagram

Tunay ngang hindi maikakaila ang kakaibang closeness na nabuo ni Jake sa kanyang unica hija, kaya naman ang kanilang mga larawan na magkasama ay siyang laging inaabangan at nagsilbing inspirasyon rin sa kanyang mga fans.

Maliban sa kanilang masayang bonding sa isla, ay makikita rin ang pagiging sweet ng mag-ama sa isa’t-isa, lalo na sa muling pagbabakasyon ni Ellie sa Manila.