Weightlifter na si Hidilyn Diaz, pinahanga ang mga pinoy kabilang na ang maraming personalidad sa showbiz matapos masungkit ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa Tokyo Olympics

Makalipas ang halos 97 taon simula ng makasali ang bansa sa Olympics at pinangarap na makamit ang gintong medalya sa bawat kompetisyon, ay siya ngayon laking tuwa at pasasalamat ng mga Pinoy para sa Filipina weightlifter na si Hidilyn Diaz.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Enchong Dee (@mr_enchongdee)


Dahil ito kay Hidilyn na siyang kauna-unahang Pinay na nag-uwi ng gintong medalya para sa Pilipinas, matapos sumali sa women’s 55-kg weightlifting event ng 2020 Tokyo Summer Olympic Games na ginanap sa Tokyo International Forum, nitong Lunes, Hulyo 26.


Nagwagi si Hidilyn matapos makamit ang Olympic total record na 224kg mula sa 97kg sa snatch at 127kg sa clean and jerk, na siyang nagpatumba sa kanyang mga katunggali.

Ang pambato ng China na si Liao Qiuyun na isang world record holder na nakakuha ng silver medal mula sa total record na 223kg (97kg snatch, 126 kg clean and jerk), at ang pambato ng Kazakhstan na si Zulfiya Chinshanlo na siyang nagwagi naman ng bronze medal mula sa total record na 213kg (90kg snatch, 123kg clean and jerk).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gretchen Ho (@gretchenho)


Sa pagkapanalong ito ni Hidilyn ay makikita rin ang kanyang pagiging emosyonal ng makamit ang gintong medalya para sa Pilipinas. At kasabay ng kanyang pagkapanalo ay ang pagbuhos rin ng pagbati at pagmamahal mula sa mga pinoy at celebrities, na nagbigay ng kanilang pasasalamat at pagbati para kay Hidilyn.

Isa sa mga labis na nagpunyagi sa kanyang pagkapanalo ay ang aktor na si Enchong Dee, Ormoc City mayor Richard Gomez, aktres na si Isabelle Daza, komedyanteng si Vice Ganda, TV host na si Gretchen Ho at ang aktres na si Jane Oineza na gumanap sa kwento ng buhay ni Hidilyn Diaz sa ‘Maalaala Mo Kaya’ ay nagpaabot rin ng pagbati para sa pinay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Isabelle Daza (@isabelledaza)


Bukod sa nauwing gintong medalya ni Hidilyn ngayon ay sumali rin siya noon sa 2008 Summer Olympics kung saan siya ang pinakabatang kalahok ng women’s 58-kg category. At naging bronze medalist naman sa 2007 SEA Games sa Thailand at nakuha niya ang 10th place sa 2006 Asian Games sa 53-kilogram category.