Ethel Booba, masayang ibinahagi ang bonggang selebrasyon ng ika-1st birthday ng kanyang anak na si Baby Michaela

Isa sa mga komedyante at singer na hinangaan ng maraming netizens ngayon ay si Ethel Booba. Ito ay marahil sa kanyang dala-dalang goodvibes at ang kanyang sense of humor, na talagang namang naghahatid ng katatawanan sa lahat ng mga taong kanyang nakakasalamuha pati na rin sa mga manonood.


Credit: @ethelbooba on Instagram

Kinilala si Ethel hindi lamang sa kanyang husay pagdating sa pagiging isang komedyante, kundi isa ring huwaran at butihing ina sa kanyang unica hija na si baby Michaela. Sa pagdating ni Michaela sa buhay ni Ethel at ng kanyang non-showbiz partner na si Jessie Salazar, ay dito na rin nakita ng publiko ang side ng pagiging hands-on mom ng komedyante sa kanyang anak.




Credit: @ethelbooba on Instagram

Matatandaang November 15, 2019 nang ianunsyo ni Ethel sa It’s Showtime na siya ay nagdadalang-tao, at February 14 nga ng nakaraang taon ng kaniyang isilang ang napaka-cute na si Baby Michaela.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ethyl Coyoca Gabison (@ethelbooba)


Ang pagdating ni Baby Michaela ang naging dahilan ng labis na kasiyahan ngayon ni Ethel at ang masayang pamilya na mayroon ang komedyante ngayon kasama si Jessie. Napakabilis nga ng panahon at sa paglipas ng isang taon, ay ipinagdiwang na ni Baby Michaela ang ika-unang kaarawan nito.


Credit: Ethel Booba Youtube Channel

Maliban sa pagiging isang singer ni Ethel ay siya rin ay isa ng vlogger. At makikita sa kanyang YT channel ang video ng naging masayang kaarawan ng kanyang anak at ang bonggang birthday party na kanilang inihanda para sa espesyal na okasyong ito.

February 14 ang itinakdang birthday ni Baby Michaela, at dahil sa dami ng mga nakapilang events ay late na nila ito na-celebrate. Ganunpaman, ay natuloy pa rin ang inaasam ni Ethel na mai-celebrate ang birthday ng kanyang anak, sa kanyang favorite place sa Aquila Crystal Palace sa Tagaytay.


Credit: @ethelbooba on Instagram

“Ito talaga yung event place na gusto ko talaga dapat para gusto ko sa kanya nung Feb. 14.”

Ang bonggang selebrasyong ito ay nagmistulang 1 araw lamang ang naging preparasyon, dahil na rin sa iyon lamang ang available na araw upang maipagdiwang ang kaarawan ni Baby Michaela sa Aquila.

Katuwang ni Ethel sa bonggang selebrasyong ito ang kanyang kaibigan at ninong rin ng kanyang anak, na si Tei Endencia na isang mahusay at kilalang event stylist.

Nagmistulang candy land ang tema ng venue at hindi maikakaila na kahit isang araw lamang ang naging preparasyon, ay napakaganda pa rin ang kinalabasan nito magmula pa lamang sa disenyo ng lugar at ang agaw pansin na center stage na napapalibutan ng makukulay na candy balloons.




Credit: Ethel Booba Youtube Channel

Nakasama nina Ethel sa bonggang selebrasyong ito ay ang ilan sa kanyang mga kaibigan at kilalang vlogger rin na sina Wilbert Tolentino, Donnalyn Bartolome at si Donita Nose na nagsilbi namang emcee sa party.