Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, masayang binisita sa Switzerland ang sikat na piano scene location mula sa Korean Drama “Crash Landing on You”

Napakasarap nga namang ma-in love, lalo na kung ang iyong kapareha ang siyang kasa-kasama sa hirap at ginhawa. Wala ng mas isasaya pa kung ang bunga ng iyong mga panalangin, ay ang taong magbibigay kulay sa iyong buhay.


Credit: @sarahlahbati on Instagram

Isa sa maituturing na perfect couple sa industriya ng showbiz ay ang mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. Ang kanilang pagmamahalan ay nasaksihan ng kanilang mga fans, kaya naman ng sila ay ikasal nito lamang March 2020, ay labis ang kilig at saya na kanilang natanggap sa mga taong nagmamahal sa kanilang dalawa.

Lalo na sa pagdating ng kanilang gwapong mga anak na sina Zion at Kai, ay tila’y mas dumoble ang natanggap nilang suporta. At hindi maitatanggi na tutok ang kanilang mga tagahanga sa bawat litrato na kanilang ibinabahagi sa social media.




Credit: @sarahlahbati on Instagram

Tunay ngang couple goals ang mag-asawang Richard at Sarah, at hindi maipaghihiwalay ang dalawa sa kabila ng kanilang busy schedule bilang isang artista at aktor. Ngayon sa pagsunod ni Richard sa kanyang mag-iina sa Switzerland, ay todo ang kilig ng kanilang mga fans sa muling pagsasama nilang dalawa.


Credit: @sarahlahbati on Instagram

Habang sabay na nililibot ang magandang lugar sa Switzerland, ay parehas din nilang sinusulit ang bawat oras na sila ay magkasama. Tulad na lamang ang larawang ibinahagi ni Sarah sa kanyang Instagram, ay makikita ang nakakakilig na litrato nila ng kanyang asawa na nakatingin sa isa’t-isa habang magkayakap.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SLG (@sarahlahbati)


Pagdating pa lamang sa background ng kanilang naturang litrato, ay aakalaing ikaw ay nanonood pa rin ng CLOY, dahil sa napakagandang lugar ng Lake Brienz, Switzerland. At sa caption ni Sarah, ay kanyang sinabi ang mga katagang “sometimes the wrong train takes you to the right direction…” na siyang hango sa sumikat na Korean drama ang Crash Landing on You.


Credit: @sarahlahbati on Instagram

Ayon pa sa celebrity mom ay hindi naging madali ang kanilang pagpunta sa magandang lugar na ito, at tila’y naligaw pa sa kakahanap ng “breathtaking view” sa Interlaken. Ganunpaman, ay makikita naman ang pagiging supportive husband ni Richard at sinamahan ang kanyang asawa sa famous spot na ito ng Lake Brienz.

“literally got lost many times today trying to look for this breathtaking view here in @interlaken 🥰 chard had no choice but to tag along in making my CLOY dream come true! 😁 we finally found this place. 🥰”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SLG (@sarahlahbati)


Dahil dito ay kinakiligan ng kanilang mga fans ang kanilang sweet photo at marami na naman sa mga ito ang napa sana all sa kanilang masayang adventure sa Interlaken, Switzerland.

“How romanticcccc ❤️”




Credit: @sarahlahbati on Instagram

“It’s the caption for me 😭💖 goshhhh I wanna cry!! 😢💖💖”

“huhu sana all 😢😂❤️”