Anak ni Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Ziggy, cute na cute sa pagkanta ng ‘Bahay Kubo’ at ‘Ako ay may Lobo’

Isa ang DongYan sa maituturing na isa sa mga hinahangaang pamilya sa industriya ng showbiz ngayon. Dahil na rin yan sa magandang samahan at wagas na pagmamahalan ng celebrity couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.


Credit: @marianrivera on Instagram

Isama na rin ang kanilang maganda at gwapong anak na sina Zia at Ziggy, na labis namang nagpakilig sa kanilang mga fans.

Maliban sa celebrity couple isa si Jose Sixto “Ziggy” Dantes IV sa hinahangaan ngayon ng karamihan sa taglay nitong kagwapuhan, na hindi maikakailang namana niya sa kanyang mga magulang. Sa mala artistahin rin nyang dating, ay paniguradong sa kanyang paglaki ay maraming kababaihan ang sa kanya ay mahuhumaling.




Credit: @marianrivera on Instagram

At bilang mga supportive parents na sina Marian at Dingdong ay makikita rin ang kanilang pagiging active sa social media, at ibinabahagi sa kanilang mga fans ang ilan sa mga cute pictures at adorable videos ng kanilang mga anak.


Credit: @marianrivera on Instagram

Isa na nga diyan ang napaka-cute na video ni Ziggy, na syang makikitang naka-post ito sa isang fan page ng DongYan. At mula sa bidyong ito ay makikita ang gwapong si Ziggy habang suot ang asul na t-shirt, ay mapapansing hawak-hawak rin nya ang isang mikropono.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Team Dantes (@thedongyanatics)


Tila’y ang gwapong anak ni Marian at Dingdong ay kumakanta pala ng children songs, ang “Ako Ay May Lobo” at “Bahay Kubo”. Mapapansin ang pagiging seryoso ni Ziggy sa pagkanta habang sinasabayan ang bidyong naka-play sa kanyang harapan.


Credit: @marianrivera on Instagram

Hindi pa man gaano ka-detalyado ang pagkanta ni Ziggy, ay hindi maikakailang nag-eenjoy ito sa kanyang kinakanta. At hindi nagpapadala sa mga taong nakapaligid sa kanya.

Parang kailan lang ng buhat-buhat pa lamang siya ng kanyang mga magulang, pero ngayon ay napaka active na ng bata. Sa video na ito ni Ziggy, ay bumuhos naman ng komento at papuri mula sa kanilang mga fans ang kanyang cute na cute na pagkanta.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Team Dantes (@thedongyanatics)


“Galing umawit ni baby Ziggy saulado na nya ang bahay kubo at Ang May Lobo.💙💙💙”

“Very cute nmn ni baby sixto”




Credit: @marianrivera on Instagram

“Cute2 nman 👏🤩”

“👏👏👏👏👏 yeheyyyy galing ni baby Sixto😍”