Coleen Garcia, labis ang tuwa matapos siyang tawaging “Mommy” ng kanyang baby boy na si Amari sa unang pagkakataon

Napakasarap nga naman sa pakiramdam ang pagiging isang magulang, kung maririnig ang unang salita na sasabihin ng mga anak habang sila ay sanggol o maliliit pa lamang. Ang pagtawag ng “Mama” o “Papa”, “Mommy” o “Daddy”, ang isa sa mga masasayang pangyayari sa isang magulang na sila ay matawag ng kanilang mga anak.


Credit: @coleen on Instagram

Ganiyan mailalarawan ang aktres at celebrity mom na si Coleen Garcia nang siya ay maging emosyonal, matapos tawaging “Mommy” ng kanyang baby boy na si Amari.

“He just called me MOMMY for the first time yesterday as he was reaching out for me. 🥺😭❤️”




Credit: @coleen on Instagram

Sa bidyo na ibinahagi ni Coleen sa kanyang Instagram account ay makikita ang cute na cute na si Amari, habang kapansin-pansin naman ang pagiging clingy nito sa kanyang Mommy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coleen Garcia Crawford (@coleen)


“We are officially at the clingy stage (and to think I thought we were already there before) and he still tries hard to say “Mommy” but he calls me “Mama”

Hindi maitatanggi na kahit maliit pa lamang si Amari ay mapapansin na ang pagiging Mama’s boy nito, at tila’y hindi mapaghiwalay ang mag-ina dahil sa higpit ng yakap ni Amari kay Coleen. At kahit ilang beses pang sabihin ng Lola ni Amari na, “Say Lola” ay “Mama” pa rin ang kanyang binabanggit at hinahanap.


Credit: @coleen on Instagram

“A LOT now, and you can easily tell it’s really for me. 🥲 “Mama” when he sees me, “Mama” when he wants me, and “Mama” when I’m not in the room and he’s looking around for me. MY HEART.”

Ayon kay Coleen ay mas naging extra challenging para sa kanya ang pagiging clingy ng kanyang anak. At ibinahagi rin niya ang kanyang mga ginagawang tricks upang mabaling ang atensyon ni Amari sa ibang bagay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coleen Garcia Crawford (@coleen)


“Leaving the room has been extra challenging. We have to distract him and trick him into looking at something else while I sneak off. Whenever I hand him to someone else, he will hold on for dear life and drag me if he has to.”




Credit: @coleen on Instagram

Ganunpaman, ay hindi maipaliwanag ni Coleen ang labis na kasiyahan na masaksihan si Amari sa ganitong pagkakataon. Kaya naman sa kanilang masayang bonding time mag-ina, ay labis niya tine-treasure ang mga sandaling kasa-kasama ang anak.

“Especially whenever he smiles at me in the middle of playing, as though he wants to share the fun with me. I melt. 😩 Time waits for no one, so I am savoring these times cause I am livingggggg for this season! 💕”