Andi Eigenmann, ibinahagi ang una at masayang selebrasyon ng kanyang kaarawan sa isla ng Siargao

Isang mahalagang bahagi ng buhay ng maraming tao ang pagdiriwang ng kanilang kaarawan, na kung saan ay hindi lang ang edad ang umaangat kundi pati na rin ang bilang ng mga taong patuloy na nagmamahal sa celebrant, kasama na rito ang mga kaibigan at mahal sa buhay.


Credit: Happy Islanders Youtube Channel

Isa na rito ang celebrity mom na si Andi Eigenmann na nagdiwang ng kanyang kaarawan noong June 25. Kasama ang mga kaibigan at kapamilya sa Isla ng Siargao, ay ito ang kauna-unahang beses na ipinagdiwang ng aktres ang kanyang birthday sa isla.

“This is my birthday, I’m so happy. It’s my first time to celebrate my birthday here on the island.”




Credit: Happy Islanders Youtube Channel

At sa masayang selebrasyong ito, ay isang munting sopresa ang inihanda ng fiancé ni Andi na si Philmar Alipayo. Alas kwatro pa lamang ng umaga sa mismong araw ng birthday ng aktres, ay isang nakakakilig na harana ang bumungad sa kanya na kung saan ay kanila itong tinawag na Mañanita.

“They just surprised me with a Mañanita. People do it here in Siargao, pagka merong may birthday and it’s just a worderful of making the birthday person feels so special. I’m so happy, na ginawa ni Papa (Philmar Alipayo).”


Credit: Happy Islanders Youtube Channel

Matapos ang nakakakilig na harana, ay sabay-sabay namang inabangan nina Andi at Philmar, kasama ang kanilang mga anak na sina Ellie, Lilo at Baby Koa ang pagsikat ng araw.

Pagdating naman ng tanghalian ay ipinagluto naman ni Andi, ang kanyang pamilya ng sinigang na syang request ng kanyang panganay na si Ellie, at sinubukan rin nya gawin ang sariling bersyon ng kanyang ina na si Jaclyn Jose ang pagluluto ng spaghetti.


Credit: Happy Islanders Youtube Channel

“Since it’s my birthday today, I’m going to cook birthday spaghetti. This is my mom, Ms. Jaclyn Jose’s birthday spaghetti na ginagawa nya yun every year on my birthday. So it became a tradition na every time it’s my birthday, I have to have that.”

“Nako pag nakita ‘to ni Nanay (Jaclyn Jose), its her recipe pero hindi na sya yung super eksakto. So Nanay ah, ‘wag ka magalit.”


Credit: Happy Islanders Youtube Channel

At sa pagdating ng kinagabihan ay isang masayang kainan ang inihanda nina Philmar para kay Andi, na kung saan ay makikitang nakasama sa espesyal na selebrasyong ito ang kanilang mga kaibigan at kapamilya sa isla.

“Thank you so much Mahal, for the first time I didn’t fixed anything. So I’m super thankful ‘cause Mahal did everything today. And ano lang ako today, celebrant lang ako.”




Credit: Happy Islanders Youtube Channel

At bago matapos ang kaarawan na ito ni Andi, ay isa namang munting regalo ang ibinagay sa kanya ni Ellie. At makikitang isang handmade na singsing ang siyang iniregalo ng kanyang anak para sa kanyang kaarawan.

“What a nice way for me to end my birthday, my first day of being 31 years old, – and before the day ended, Ellie managed to give me her birthday present.”