Nikki Gil, masayang ipinasilip ang kanyang baby bump sa nalalapit na pagdating ng kanyang ikalawang anak

Isang panibagong update muli ang ibinahagi ng dating aktres na si Nikki Gil, matapos siya magpost ng kanyang baby bump sa kanyang Instagram account. Matatandaang noong April nang ginulat ni Nikki ang mga fans tungkol sa kanyang pagbubuntis, nang ibahagi nito ang larawan niya habang maliit pa lamang ang kanyang tiyan.


Credit: @nikkigil on Instagram

Makikita sa kanyang caption na “Ready, Kuya Finn?”, at makikitang hawak-hawak ng kanyang panganay na anak na si Finn ang kanyang baby bump.

At ngayon sa papalapit na pagdating ng kanilang 2nd baby ng kanyang asawang businessman na si BJ Albert, ay ibinahagi ni Nikki ang update sa kanyang lumalaking baby bump ngayon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nikki Gil-Albert (@nikkigil)


Sa Instagram post ni Nikki ay makikita ang baby bump ng dating aktres habang suot-suot ang isang itim na dress. Makikita sa kanyang naging caption ang isang pregnant na emoji. Sa post na ito ni Nikki, ay marami naman sa kanyang mga kaibigan sa showbiz ang nagbigay ng kanilang pagka-galak at excited na rin sa paglabas ng kanyang baby no. 2.


Credit: @nikkigil on Instagram

Karamihan sa mga nagbigay ng kanilang komento ay sina Isabelle Daza, Shaina Magdayao, Isabel Oli, Pauleen Luna, at Liz Uy. Hindi maitatanggi na kahit buntis man ngayon si Nikki sa kanyang ikalawang baby, ay hindi pa rin kumukupas ang ganda ng aktres kahit siya ay mommy of 2 na.


Credit: @nikkigil on Instagram

Tunay ngang sa kabila ng kanyang pagbubuntis, ay ang fresh at blooming look pa rin ng aktres sa pag-aalaga ng kanyang sarili tulad ng pag-aalaga sa kanyang panganay na si Finn. Katuwang ang kanyang asawang si BJ, sa pagpapalaki sa kanilang anak at ang masayang samahan ng kanilang pamilya ay kitang-kita sa bawat post ng aktres sa kanyang social media accounts.




Credit: @nikkigil on Instagram

Malaki naman ang naging pasasalamat ni Nikki sa kanyang asawa, sa pagbibigay ng sobra-sobrang atensyon at pagmamahal sa kanilang dalawa ni Finn.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nikki Gil-Albert (@nikkigil)


“Thank You for giving Finn a glimpse of our Heavenly Father’s love ❤️ we love you so much!”

Nagkakilala sina Nikki at BJ sa Ateneo De Manila University na parehas nilang school noon. At Ikinasal naman ang dalawa sa isang garden ceremony sa Sta. Elena Gold and Country Club sa Laguna noong 2015. Nagbunga ang kanilang pagmamahalan sa pagdating ni Finn noong Nobyembre 2017.