Dominic Roque nag-komento sa post ni Bea Alonzo, na labis na kinakiligan ngayon ng kanilang mga tagahanga

Kinapulutan ng kilig at paghanga ng mga netizens ang nakakakilig na komento ng aktor na si Dominic Roque, sa isang Instagram post ng kanyang rumored girlfriend na si Bea Alonzo.

Ilang araw pa lamang ang nakakalipas ng lumipad patungong Amerika si Bea, upang magkaroon ng quick break, bago sumabak sa kanyang mga nakapilang proyekto na gagawin, ngayon na siya ay isa ng Kapuso.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


At sa pag-alis ni Bea ng bansa, ay nakatutok naman ang kanyang mga fans sa mga post at IG stories ng aktres sa kanyang masayang bakasyon sa L.A.

Samantala, ay hindi rin nakalagpas sa mata ng fans ang mga IG stories at post ni Dominic, na siyang makikitang lumipad rin pa LA ang aktor. Dahil dito ay marami ang nagsasabi na magkasama umano sina Bea at Dominic na masayang nagbabakasyon ngayon.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dominic Roque (@dominicroque)


Sa kanilang mga pictures at videos sa Instagram, ay makikita nga talagang magkasama ang dalawa, na siyang kapansin-pansin sa mga lugar na parehas nila mismong pinupuntahan.

At sa isang Instagram post ni Bea, ay makikita ang mga litrato ng aktres at hindi maitatanggi ang kanyang pagka-blooming at hindi matawaran ang angking kagandahan nito habang suot-suot ang kanyang OOTDs.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


Kung ang mga fans ay nabighani sa umaapaw na kagandahan ng aktres ay tila’y kilig na kilig naman ang mga fans, ng magbigay ng komento si Dominic sa isang litrato ng aktres habang nasa beach.

Sa comment section, makikitang ang komento ni Dominic na, “i*y.😘”. At tila’y ipinapahawitag na ng aktor ang kanyang labis na pagmamahal para kay Bea. At ayon pa sa kanilang mga fans, ay “I love you” raw umano ang ibig-sabihin ng komentong ito ni Dominic para sa aktres.


Credit: @beaalonzo on Instagram

Dahil dito ay umabot na nga sa halos 18,000 likes ang komento na ito ng aktor at hindi maitatanggi na labis pa rin ang kilig ng mge netizens sa kanilang dalawa.

“omg 😱 umamin na kayo ❤️😭”

“ayyyy yun ohhh!!love it❤️❤️”


Credit: @beaalonzo on Instagram

“ayieeeee say it in fulllllll😍😍😍😍”

Maliban sa litratong ito ni Bea, ay nagpahiwatig rin ng kanyang pagmamahal si Dominic ng magbigay ulit ito ng komento sa isang larawan ni Bea na naka-side view.

Makikita ang tatlong pulang puso na komento ng aktor sa naturang larawan ng aktres.
“❤️❤️❤️”




Credit: @beaalonzo on Instagram

Wala pa mang pormal na anunsyo sa tunay na estado ng kanilang relasyon, ay excited pa rin ang kanilang mga fans sa mga susunod pang vacation trip nina Bea at Dominic.