Angeline Quinto, ipinasilip ang kanyang mamahaling customized van at ang misteryosong bagay na matatagpuan sa likurang bahagi ng kanyang sasakyan

Kung mala hotel at bonggang sasakyan ang kadalasang ibinibida ng ilan sa mga celebrity, ibahin natin ang mahusay na singer at aktres na si Angeline Quinto matapos ipasilip sa kanyang mga viewers ang loob ng kanyang customized van.

“Napanood ko yung mga van at bus tours ng rich and famous like Justin Bieber kaya naman gusto kong makita nyo din what’s inside my Van!”


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Pagpasok pa lamang sa kanyang sasakyan, ay masisilayan agad ang isang whiteboard na siyang dito inililista ang mga schedule ni Angeline sa trabaho.

“Every time na kasama ko yung RM ko or handler ko kapag po nakakalimutan ko yung schedule ko, dito nila nililista lahat.”




Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Sunod naman niyang ipinakita ang kaniyang “Life boxes” na siyang naglalaman ng em3rgency health kit, tulad ng alc0hol, vitamins, face sh!eld, facemask, hygiene kit, at marami pang iba.

Kabilang sa mga l!fe boxes umano ni Angeline ay ang isang malaking box, na kung titignan ay isa lamang itong lagayan ng mga pagkain, ngunit pag iyong binuksan ay ito pala ang lagayan ng kanyang sariling arinola.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

“Pinakaimportante din na lagi ‘tong nandito sa van, hindi pwedeng maiiwan ‘to sa bahay. Kasi kahit ‘san ako magpunta, lalo na kapag long drive, ‘pag long travel, since hindi ko pa afford na makapagpagawa ng cr dito sa van.”

Samantala ay hindi naman maaaring mawala sa van ni Angeline ang pinaka-espesyal na bagay na makikita sa loob ng kanyang sasakyan, at ito ay walang iba kundi ang mga pictures ng kanyang ina na si Mama Bob.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

“Syempre ang pinaka-espesyal dito sa van – mapapansin po ninyo yung mga frame na picture with Mama Bob.”

“Talagang dinisplay ko yung picture with Mama Bob, kasi para mas maramdaman ko na kahit saan man ako magpunta, eh talagang kasama ko ang Mama.”




Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Makikita rin sa loob ng kanyang sasakyan ang isang mini sofa na pwedeng gawing kama at katabi nito ay kanyang mini working station na may isang folding bed table, na madalas ring gamitin ni Angeline sa kanyang trabaho.

“Dito ako madalas nagre-review ng mga kanta kapag halimbawa on the way ako sa ASAP, or meron akong kailangan puntahan na show o mga raket.”

Ngunit sa kabila ng mamahaling sasakyan na ito ni Angeline, ay isang misteryosong bagay ang siyang makikita sa likurang bahagi ng kanyang sasakyan.

At ito nga ay walang iba kundi ang isang manika, na syang ginamit na panak0t noon ng singer sa kaibigang si Vice Ganda ng minsan itong bumisita sa kanyang tahanan.

“Syempre yung kaibigan ko na hindi ko pwedeng maiwan sa bahay, alam nyo na ‘yan kung sino. Si Chucky,”