Sarah Lahbati, ibinahagi ang masayang swiss adventure at ang nakakakilig na pagsunod ni Richard Gutierrez sa Switzerland

Sa paglipad ng aktres na si Sarah Lahbati kasama ang mga anak na si Zion at Kai patungong Geneva, Switzerland, ay kanilang binisita ang ama ni Sarah na si Abdel Lahbati makalipas ang halos higit sa isang taon ng hindi makasama ang ama.


Credit: @sarahlahbati on Instagram

Tila’y sa pag-uwi ni Sarah, ay makikita ang galak at tuwa sa kanilang mga mukha ng sa wakas ay makakapag-bonding na muli sila buong pamilya.




Credit: @sarahlahbati on Instagram

Matatandaang hindi nakasama sa kanilang paglipad patungong Switzerland ang asawang aktor ni Sarah na si Richard Gutirrez, at makalipas ang linggo ay siya namang pagsunod ng aktor sa kanyang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SLG (@sarahlahbati)


“look who finally made it here and brought the sun with him 🥰🌞🇨🇭”

Talaga nga namang hindi matitiis ng mag-asawa ang mahiwalay ng matagal sa isa’t-isa, kaya naman sa pagsunod ni Richard ay siya namang ikinatuwa ng aktres at kinakiligan ng kanilang mga fans.


Credit: @sarahlahbati on Instagram

“SO HAPPY U GUYS ARE ALL TOGETHER NOWWWW ❤️”

“My fave. couple😍😍😍”

“You are all complete,FINALLY!!!❤️🙌”


Credit: @sarahlahbati on Instagram

“Ackkk ang sweet🙈❤”

“So happy for you ❤️ ❤️❤️❤️❤️❤️❤️”

Ngayon na kumpleto na muli ang Gutierrez family, ay masaya namang ibinahagi ni Sarah ang ilan sa magagandang lugar na kanilang pinuntahan. At isa na nga rito ang kanilang masayang Swiss adventure sa Lausanne, Switzerland.


Credit: @sarahlahbati on Instagram

Makikitang sumakay ng train sina Sarah kasama ang mga magulang ng aktres, at sa kanilang pagdating ay sakay-sakay naman ng isang cruise ship ay pinuntahan nila ang Château de Chillon, at ilan pa sa ipinagmamalaking tourist spot sa Lausanne.

Maliban sa kanilang masayang swiss adventure, ay ipinagdiwang rin ni Sarah ang kaarawan ng kanyang ina na si Esther Lahbati, at nakisaya sa katatapos lamang na wedding ng isa sa kanyang mga best friend.




Credit: @sarahlahbati on Instagram

Samantala, ay hindi rin pinalagpas ng aktres ang pagpunta sa museum kasama ang mga anak na si Zion at Kai, at makikita ang pag-eenjoy ng mag-iina sa kanilang pamamasyal.