Neri Miranda, masayang inanunsyo ang kanyang mas pinalawak na negosyo

Sa isang Instagram post ni Neri Miranda, ang asawa ng sikat na singer at lead singer ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda, ay nagbahagi ng mga larawan ng isang under construction na gusali na kung saan doon ilalagay ay Neri’s not so secret at Tea Talk.


Credit: @mrsnerimiranda on Instagram

Narito ang panimulang caption ni Neri sa kaniyang post, “Mas pinalaking @nerisnotsosecretgardenxteatalk! Mas maraming menu! Mga comfort food! Mas maraming space para di takaga nauubusan ng pwesto!”

Pinasalamatan rin ni Neri si Ghie Pangilinan, ang nagmamay-ari ng pangalan ng Tea Talk, sa kanilang collaboration. “Thank you, Ate @ghie.pangilinan para sa collaboration na eto! The best ka talagang magmahal! Excited na ako sa opening! Maglagay na rin ba tayo sa Tagaytay? Hihi!,” saad ni Neri.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda)


Inanyayahan rin ni Neri and kaniyang mga followers na suportahan ang pagbubukas ng kaniyang nerisnotsosecretgardenxteatalk, “Kaya malapit na malapit na po! Neri’s Not So Secret Garden at TeaTalk sa iisang venue! Hindi ka na aalis pa! Sana payagan na ulit ang live bands soon pag super safe na! Mas masarap tumambay outdoor habang nakikinig sa mga swabeng banda natin sa Pilipinas.”


Credit: @mrsnerimiranda on Instagram

Bakas na bakas sa caption ni Neri ang kaniyang kasabikan sa kaniyang business at marami ring mga fans ang nagpaabot ng kani-kanilang suporta kay Neri sa comment section ng nasabing post. Tila ba ay napakagandang tambayan nito dahil ikaw ay makakakain ng mga masasarap na pagkain habang nagchi-chill sa mga musikang pinapatugtog ng ating mga talentadong banda sa ating bansa.




Credit: @mrsnerimiranda on Instagram

Hindi lang ito ang unang business ni Neri dahil sa katunayan ay isa siyang napaka business minded na tao. Nagpapatakbo sya ng iba’t ibang mga business sa mga nakaraang taon tulad ng mga bakery at iba pang shops. Mayroon rin siyang business na bottled gourmet tuyo na naging patok sa maraming tao dahil sa napakasarap at napakaunique na twist na ginawa ni Neri sa isang classic pinoy dish tulad ng tuyo. At dahil sa kaniyang success ay maraming mga netizens ang mga nainspire kay Neri.