Karen Davila, ipinasilip ang mala mansyong tahanan ng boxing champion at Senador na si Manny Pacquiao

Ang tinaguriang boxing champion at kasalukuyang senador ng Pilipinas na si Sen. Manny Pacquiao, ay muli na namang pinahanga ang publiko sa kanyang mala mansyong tahanan.

Sa video na inilabas ng broadcast journalist na si Karen Davila sa YT channel nito, ay kanyang isinama ang mga viewers sa pagbisita sa mala mansyong tahahan ng nag-iisang Sen. Manny Pacquiao.


Credit: Karen Davila Youtube Channel

Pagpasok pa lamang sa kanilang napakalaking tahanan ay kamangha-mangha na ang ganda at lawak nito.

At pagdating sa disenyo na makikita sa bawat sulok ng kanilang tahanan ay sino ang magaakalang ang lahat ng ito ay mula mismo sa ideya ng kanyang asawa na si Jinkee.




Credit: Karen Davila Youtube Channel

Ipinakita ni Manny ang kanilang sala, theatre room, outdoor living room, gym, swimming pool at syempre hindi maaaring mawala ang kanilang napakaganda at maaliwalas na garden.

Pagdating sa kanilang hallway ay matatanaw naman ang isang Bible verse, at ang larawan ni Manny 9 na taon na ang nakakalipas.


Credit: Karen Davila Youtube Channel

Sa naging kwentuhan ni Manny at Karen, ay ibinahagi ng Senator ang buhay na kanyang kinagisnan at ang mga panahong hindi pa nya nakikilala ang Panginoon.

“Nung araw wala akong pakielam, I didn’t care to my family like tapos barkada, inuman, sugal, babae lahat nandyan sa atin lahat yan nung araw.


Credit: Karen Davila Youtube Channel

“Kahit anong gawin ko, empty pa rin ang puso ko. Parang something wrong na hindi ko maintindihan, unexplainable na paano ba mapupuno itong puso ko.”

“God is good all the time. Binigyan ako ng puso na na-recall lahat ng mga ginagawa ‘ko na grabeng pagsisisi ko, ilang beses na ko umiyak sa Panginoon na patawarin ako.”


Credit: Karen Davila Youtube Channel

Tila’y ang pagkilala at pagtanggap sa Panginoon ang kanyang naging gabay, upang ang kanyang prinsipyo at pananaw sa buhay ay maituwid at lumihis sa dating mundong nakasanayan.

“Then when I read the Bible, parang napupuno yung puso ko na, ‘tas umiiyak ako sa mga nababasa ko.”


Credit: Karen Davila Youtube Channel

Kaya naman ng simulang mabago ang buhay ni Manny, ay dito na rin nagsimula ang pagdating ng maraming biyaya sa kanyang pamilya at dito rin labis na sinubok ang kanyang pananampalataya sa Panginoon.

Hindi man naging madali ang mga pinagdaanan noon ni Manny, ay hindi naman naging hadlang ito upang maging proud sa kanyan ang kanyang mga anak na sina Jimuel, Michael, Princess, Queenie at Israel.




Credit: Karen Davila Youtube Channel

Si Manny ang nagsilbing inspirasyon ng kanyang mga anak, lalong-lalo na ang panganay na si Jimuel na sumusunod na rin sa kanyang yapak at pangarap din na maging mahusay na boksingero tulad niya.

“He’s a good dad, good role model, and syempre he’s my ano talaga my inspiration and everything.”

Maliban sa pagiging abala sa kanyang trabaho bilang isang senador, ay kasalukuyang kumuha ng masteral degree si Sen. Manny, mula sa kursong Master in Public Administration sa Philippine Christian University (PCU).