Sophie Albert, ipinasilip ang kanilang napakagandang beach house na matatagpuan sa Batangas

Ilan sa mga sikat na celebrity ngayon ay nasa kani-kanilang bahay bakasyunan upang makapag-relax at makalanghap ng sariwang hangin kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

Iba’t ibang destinasyon ang nasa bucket list ngayon ng ilang mga personalidad, at hindi magpapahuli sa listahan ang magkasintahang Sophie Albert at Vin Abrenica na piniling magbakasyon sa Batangas.


Credit: Vin & Sophie Youtube Channel

Sa kanilang bagong vlog na inilabas sa kanilang YT channel, ay ipinasilip nina Sophie at Vin ang beach house, na kasalukuyang tinutuluyan nila ngayon kasama ang kanilang buong pamilya.

Ayon kay Sophie, linggo-linggo sila umano nagbabakasyon sa kanilang beach house ngunit nang maging busy na ang kanilang pamilya at dahil na rin sa kasalukuyang pandemya, ay bihira na lamang sila makabisita roon.




Credit: Vin & Sophie Youtube Channel

“You know when this house was first built, we were here like every single weekend. But then, people got busy, and the pandemic happens, so super minsan na lang we have to come here.”

Sa panimula ng kanilang vlog ay ipinasilip ng magkasintahan ang kabuuang itsura ng kanilang beach house, at makikita rin ang ilan sa mga magagandang tanawin na makikita sa kanilang lugar tulad na lamang ng Matuod Beach.


Credit: Vin & Sophie Youtube Channel

“So before our house used to be quite high, parang from the deck it’s a very high jump, from the deck down to the beach. But throughout the years, parang the sand starting coming up and it became so short na, parang you can climb the house already.”

Tinawag ang Matuod Beach na ito ayon sa ina ni Sophie, dahil habang binabaybay ang kailaliman ng dagat ay, nananatiling abot hanggang tuhod lang umano ang lalim ng tubig nito.


Credit: Vin & Sophie Youtube Channel

“She said that this beach is called Matuod Beach, because no matter how far you go the waters is only until your knees, so I think that’s why it’s called Matuod.”

Ang beach house na ito nina Sophie ay ang lugar mismo kung saan nag-propose si Vin ng sya ay alukin ng kasal.

“I love it here, this is where I proposed.”


Credit: Vin & Sophie Youtube Channel

Balai Hilom ang ipinangalan umano ng in ani Sophie sa kanilang beach house na ito sa Batangas, na ang ibig sabihin ay ‘healing house’.

“This house my mom calls it Balai Hilom, which means healing house feeling,”




Credit: Vin & Sophie Youtube Channel

Sa kanilang paglilibot sa beach house ay ibinahagi ni Sophie na favorite spot nya ay ang magandang view na kung saan ay matatanaw ang ganda ng kalangitan at ang isa sa mga inaabangan ng mga kababaihan ang sunset.

“The best thing about this place is – the sunsets here are so beautiful as in the skies are so nice, it usually pink or purple.”

“My favorite spot is here (the deck), or in the cabana kasi that’s usually where we socialize, where we make kwentuhan and then at night we stay here you can see the starts.”

Disyembre ng nakaraang taon ang isa sa pinakamasayang proposal na naganap para sa magkasintahang sina Sophie at Vin.

At Marso 15, ng kanilang ipinakilala sa publiko ang kanilang napagandang anak na pinangalanan nila bilang si Avianna Celeste.