Lovely Abella at Benj Manalo, masayang ibinahagi ang kanilang bagong bahay na naipundar na bunga ng kanilang tyaga sa pagbebenta ng mga produkto online

Kung ang batayan sa pagkamit ng bawat pinapangarap sa buhay ay ang kasabihang “kapag may tiyaga, may nilaga”, tiyak na patunay lamang nito na totoo nga ang kasabihan at ang iyong pangarap ay maisasakatuparan.

Tulad na lamang ng mag-asawang sina Lovely Abella at Benj Manalo, mula sa kanilang pinapangarap lang noon na magkaroon ng sariling bahay, ay kanila na ngang nakamit dahil sa kanilang kasipagan sa pag-oonline selling.




Credit: @lovelyabella_ on Instagram

Marahil ang pagdating ng pandemya sa bansa ang naging daan para sa ilan sa ating mga kababayan na pasukin ang pagne-negosyo at nasubok ang kani-kaniyang diskarte upang kumita ng pera pangtustos sa pangangailangan ng pamilya.

Tila’y ganyan nga mailalarawan ang naging buhay ngayon nina Lovely at Benj, upang maisakatuparan ang bawat pinapangarap ay kinailangan nilang magsipag at mag-tyaga.


Mula sa pag-oonline selling ng iba’t ibang klase ng bags, na kanilang pinangalanan bilang BenLy’s online shop, ay ito ang nagsilbing daan para sa mag-asawa na matupad ang kanilang pangarap.

Kaya naman sa kabila ng kanilang sipag at tiyaga, ay nakapagpundar sina Lovely at Benj ng bago at magandang 3-storey na bahay.


Credit: @lovelyabella_ on Instagram

Sa larawang ibinahagi ni Lovely sa kanyang Instagram account, ay makikita ang bahay na kanilang binili, at tila’y ang pangarap lang nila noon ay unti-unti na nilang nakakamit ngayon.

“Sa mga kapwa ko ONLINE SELLERS, nakakaPROUD kayo.. SOON magkakaroon din kayo ng tulad nito, parang panaginip salamat LORD 🙏🏻🙏🏻🙏🏻 sa regalong di namin inaasahan ng asawa ko @benj #benly #benlysonlineshop #Amen”


Credit: @lovelyabella_ on Instagram

Hindi man naging madali para kina Lovely at Benj ang kanilang pinagdaanan lalo na sa kasalukuyang sitwasyon ngayon ng pandemya, ang pagkakaroon ng sipag at tiyaga, at pananalig sa Panginoon ang kanilang naging sandigan sa buhay.




Credit: @lovelyabella_ on Instagram

“Minsan mahirap sumugal sa lahat ng aspeto lalo na kung huling idudukot mo na lang sa bulsa, pero minsan mapaglaro ang tadhana yun na pala ang dahilan para lalo kang guminhawa, lahat ng meron kami ngayon mula sa pag oonline selling hanggang sa pagtayo ng kumpanya lahat sugal, pero naniniwala ako sa kasabihang pag may tiyaga may nilaga, pagtrabahuan ang gusto mong marating, kaya siguro paunti unti nakakaahon kami sa CR!SIS na to,”

Para sa tulad nina Lovely at Benj na may mataas na pangarap sa buhay, tiyak na walang imposible sa taong madiskarte, may pangarap sa buhay, at pananalig sa Panginoon.