Bunsong anak ni Dimples Romana na si Alonzo, taglay ang angking kagwapuhan at husay pagdating sa pagsasayaw

Nakilala ang aktres na si Dimples Romana magmula sa kanyang mga teleserye at pelikulang ginampanan, na talaga namang pumatok sa masa.

At isa nga sa mga teleseryeng tumatak sa puso ng manonood ay ang “Kadenang Ginto” na siyang ginampanan ni Dimples ang karakter bilang isang kontrabidang si Daniela Mondragon.




Credit: @dimplesromana on Instagram

Kung pag-uusapan ang husay at galing pagdating sa pag-arte, isa si Dimples sa mga sikat na artista ngayon na patuloy pa ring hinahangaan at sinusuportahan ng publiko.

Ngunit maliban sa pagiging isang mahusay na aktres, ay isa ring may ilaw ng tahanan si Dimples at katuwang ang kanyang asawa na si Boyet Amee, sa pag-aalaga sa kanilang 2 anak na sina Callie at Alonzo.

Sina Callie at Alonzo ay taglay rin ang angking ganda at kagwapuhan na kanilang namana sa kanilang mga magulang, kaya naman sa tuwing sila ay masisilayan sa social media, hindi matatawaran ang labis na paghanga ng mga netizens sa kanilang dalawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana)


Lalo na ngayon at madalas masilayan ng publiko ang bunsong anak ni Dimples na si Alonzo, na siyang kitang-kita ang angking kagwapuhan sa murang edad pa lamang.

Maliban pa dyan ay mas lalo pang hinangaan ng mga netizen si Alonzo, dahil sa taglay nitong husay at galing pagdating sa paggawa ng mga Tiktok videos at pagsasayaw sa harapan ng kamera.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana)


Tila’y ang paggawa ng mga Tiktok videos kasama si Dimples ang isa sa kanilang masayang bonding moments mag-ina.

Patunay nito ang video na ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram, at makikita ang mala swabeng sayaw ni Alonzo sa likod ng musikang kanilang pinapatugtog.

Talaga namang hindi maikakaila na sa bawat simple at mala swabeng galaw ni Alonzo, ay marami ang napa-ibig sa kanyang naturang video at ang ilan pa sa mga ito ay mga kaibigan at kasamahan ni Dimples sa showbiz.


Credit: @dimplesromana on Instagram

Ilan sa mga nagbigay ng kanilang pagkatuwa at komento para sa kanyang anak ay mga celebrities rin tulad nina Jake Cuenca, Inigo Pascual, at Maxene Magalona.

“SOBRANG CUTE NAMAN! 😍😍😍” – Maxene Magalona


Credit: @dimplesromana on Instagram

“One of my favorite versionsz🔥🔥🔥” – Inigo Pascual


Credit: @dimplesromana on Instagram

“😍😍😍” – Jake Cuenca

Hindi rin naman nagpa-awat ang mga netizens at nagbigay din ng komento at labis na pagkatuwa sa ipinakitang pagsasayaw ni Alonzo.

“Ang pogi talaga ni Alonzo magaling pang sumayaw…. Cuteeeee…. 😊😊😞”




Credit: @dimplesromana on Instagram

“Cutest overload,galing galing pa👏👏👏”

“Ang gwapoooooooooooiooo❤️❤️❤️❤️❤️”


Credit: @dimplesromana on Instagram

“I can watch Alonzo anytime. His soooo cutie ❤️”

“Grabeeee ampogi at galeeeeng mo alonzooooo😮❤️❤️❤️❤️”