Anne Curtis, aminadong “Carbon Copy of her Papa” na si Erwan Heussaff ang kanilang anak na si Dahlia Amelie

Isa sa mga kinagigiliwang celebrity kid ngayon sa mundo ng showbiz, ay ang napaka-cute na anak ng aktres na si Anne Curtis at asawa nitong isang chef at vlogger na si Erwan Heussaff.

Masilayan pa lamang ang napaka-cute na si Dahlia, ay talaga namang walang makakatanggi na pagmasdan ang kanyang maamo at mala inosensteng mukha sa ganda.


Credit: @annecurtissmith on Instagram

Hindi kataka-taka na pati ang ilan sa kanilang mga taga hanga ay laging nakaabang sa kanilang mga larawan at hindi mapigil ang gigil, lalo na sa kanilang baby girl na si Dahlia.

Kahit isang taong gulang pa lamang, ay likas na kay Dahlia ang angking talino at hilig sa pagbabasa ng mga libro, dahil na rin sa pag-alalay at gabay nina Anne at Erwan sa kanilang anak.

Ngunit maliban dyan, ay hindi maitatangging ang napak-cute na si Dahlia ay talaga namang certified Little Erwanita, at tunay ngang carbon copy ng kanyang ama na si Erwan.




Credit: @annecurtissmith on Instagram

Sa larawang ibinahagi ni Anne sa kanyang Instagram, ay makikita ang mga cute pictures ni Dahlia na nakasuot ng isang cute denim outfit at black and white sneakers.

Makikita sa larawan na talaga namang hindi maiikakaila na kamukhang-kamukha ni Dahlia ang kanyang Daddy Erwan sa kanyang mga litrato.


Credit: @annecurtissmith on Instagram

Pati si Anne ay aminado rin sa bagay na ito, na syang mababasa sa kanyang inilagay na caption ang pag sang-ayon ng aktres na talagang kamukha ni Dahlia ang kanyang asawa.

Samantala, sinabi naman ni Anne na kahit nakuha man ng kanilang baby girl ang mukha ni Erwan, ay nakuha naman ni Dahlia ang ilan sa mga kilos at galaw ng kanyang anak sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)


“Wru goin’ little one? 🐰

Carbon copy of her papa but everything else? She got it from her maman 🥰

Dahlia Amélie sending some good vibes your way on this gloomy day!!! 🌧”


Credit: @annecurtissmith on Instagram

Katulad ni Anne ay umani rin ng komento mula sa mga netizens ang tungkol dito at karamihan sa kanila ay sang-ayon sa pagiging Little Erwanita ng napaka-cute na si Dahlia.

“erwANNEnita!!!! sooo adorable😍😍😍”

“She’s so tinyyyy🥺 wanna put her in my pocketttt 😍😍 qttttt ❤️❤️”




Credit: @annecurtissmith on Instagram

“Little girl version of his dad 😍”

“😍😍😍😍😍😍😍😍 litol fashionistaaaaaa”

“Cute Lilerwanne ❤️😍”