Lyca Gairanod, masayang ibinahagi ang kanyang naipundar na bago at napakagandang sasakyan

Magmula sa ipinakitang husay at galing sa pagkanta, ay ang siyang naging puhunan ng The Voice Kids: Season 1 grand winner na si Lyca Gairanod, upang maabot ang kanyang mga pangarap sa buhay.

Kaya sa kabila ng kaginhawaan at tagumpay na kanyang tinatamasa ngayon, ay nanatili pa rin ang pagiging mapagpakumbaba ni Lyca, sa kabila ng buhay na kanilang kinagisnan noon ng kanyang pamilya.


Credit: Lyca Gairanod Youtube Channel

At mula sa kasipagan ni Lyca sa kanyang trabaho, ay hindi kataka-taka na nakapag-pundar na rin ang singer ng kanyang sariling sasakyan.

Ang pagkakaroon ng sariling sasakyan ang isa umano sa matagal ng pangarap ni Lyca, na syang kanyang naging rason upang mas lalo pang pagbutihan sa kanyang trabaho.




Credit: Lyca Gairanod Youtube Channel

“Alam nyo kasi dati pangarap ko lang ‘to na magkaroon talaga ng sariling sasakyan, and ngayon, winish ko talaga, pinush nang pinush na magkaroon ng sariling sasakyan,”

Kaya naman sa panibagong vlog na inilibas ni Lyca sa kanyang YT channel, ay isinama nya ang kanyang mga viewers sa isang car tour at ipinasilip ang sasakyan na kanyang naipundar.


Credit: Lyca Gairanod Youtube Channel

Pangalawang tahanan na umano para kay Lyca ang kanyang sasakyan, dahil dito na rin sya nagpapahinga sa tuwing siya ay may mga trabahong kailangan puntahan.

“Excited na ko ipakita yung aking pangalawang tahanan. Iba pa yung bahay ko, kasi ito para ko na ‘tong house eh. Talagang ito na yung pangalawa mong bahay, kasi dito ka na nagpapahinga.”


Credit: Lyca Gairanod Youtube Channel

Ang kotseng naipundar ni Lyca ang ang kanyang pinaka nagustuhan, kaya naman makikita sa kanyang video ang labis na pag-iingat at pagiging malinis nito sa kanyang sariling sasakyan.

“Marami akong gustong sasakyan pero ito talaga, bet na bet ko talaga na sasakyan ito.”




Credit: Lyca Gairanod Youtube Channel

Kwento pa ni Lyca ay matagal bago magkaroon siya ng sasakyan noon, at ang pag-commute ang kanyang naging alternatibo at kinahiligan gawin noong sya ay nasa The Voice pa lamang.

“Nagkaroon na rin naman ako ng sasakyan dati, urban state. Matagal din bago ako nagkaroon ng sasakyan, so talagang commute-commute talaga ako.”

“Seryoso yun, nagko-commute ako – dati talaga nung nagda-The Voice ako, mahilig na talaga kong mag-commute ganyan.”

Ang dating pangarap lang noon ni Lyca, ay kanya nya na ngayong natupad dahil na rin sa kanya ipinakitang kasipagan at pagtitiyaga na abutin ang mga pangarap, hindi lamang sa sarili kundi para sa kanyang pamilya.