Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, muling nagpakilig sa kanilang mga tagahanga sa kanilang larawan habang nagbibisikleta ng magkasabay

Kaliwa’t-kanan man sa dami ang naiwang trabaho, hindi naman naging hadlang ito para sa celebrity couple na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati upang makapag-relax.

Muli na namang pinakilig nina Richard at Sarah ang kanilang mga supporters, matapos ibahagi ng aktres sa kanyang Instagram ang kanilang naging sweet bike ride sa kalsada.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SLG (@sarahlahbati)


“mom and dad 💕”

Sa larawan ay makikitang parehas na nakasakay sa kanilang bike sina Richard at Sarah, at kapansin-pansin ang kanilang titigan moments na syang nagpa sana all na naman sa mga netizen.

Labis naman ang ipinakitang kilig ng kanilang mag supporters base sa mga naging komento ng mga ito sa kanilang naturang larawan.

“Gusto ko lang naman mag Instagram 😃”




Credit: @sarahlahbati on Instagram

“Coolest mom and dad😍😍”

“Sana all may katitigan pag nagba-bike ako kasi sa diretso lang. 😂”

“what I mean when I say “cool parents” 🙌🤍”


Credit: @sarahlahbati on Instagram

“Iba talaga magpakilig ang SarahChard love it! 😍😍”

“Love this sh0t ❤️😍 Pwede gawing movie 💯. Please make a movie po together ❤️ Nakakakilig parin kayo 😭 Richard💫Sarah ✨”

Sa kabila man ng kanilang busy schedule ay sinisigurado pa rin nina Richard at Sarah, na may oras pa rin silang dalawa sa isa’t-isa lalo na para sa kanilang mga gwapong anak na sina Zion at Kai.


Credit: @sarahlahbati on Instagram

Kamakailan nga ng ibahagi ni Sarah ang kanilang masayang bonding moments, kasama ang kanilang panganay na si Zion at sinubukan ang dirt biking sa Mx Messiah Fairgrounds (MMF) na matatagpuan sa Academy sa Taytay, Rizal.

“tried something new today with Zion!😁

thank you, coach @samtamayo and @mxmessiah 🤙🏼 stoked !!!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Richard Gutierrez (@richardgutz)


Ito man ang unang beses na nasubukan ni Sarah at Zion ang dirt bike riding, ay makikita pa rin ang pagiging fast-learner ng mag-ina at labis na na-enjoy ang masayang bonding time na ito na magkasama.

Ayon kay Richard ay tila’y isa na ito sa kanilang panibagong family activity, lalo na at hindi rin nagpatalo si Zion sa kanyang mga magulang.




Credit: @sarahlahbati on Instagram

“Family d!rtbike day 😎 I think we found a new family activity , thank you coach @samtamayo and @raniel_resuello.”