Neri Naig, ibinahagi ang masayang pag-ani ng kanilang tanim na gulay kasama ang panganay na si Miguel

Ang pamumuhay sa probinsya at paninirahan sa farm ang syang naging desisyon ngayon ni Neri Naig at ng kanyang asawa na si Chito Miranda, upang maging healthy living at dahil na rin sa unti-unting paglago ng mga tanimang gulay ng aktres.

“We decided na tumira na talaga sa farm, dito pa rin siyempre sa Alfonso. Mas magiging healthy living talaga dahil magiging malaki na ang taniman ko ng mga gulay, at dito ko na rin kukunin mga vegetables na gagamitin ko sa pagtutuyo ko.”


Credit: @mrsnerimiranda on Instagram

At ngayong sinusulit ni Neri ang farm life, ay masayang ibinahagi naman ng aktres ang isa sa kanilang bonding time ng kanyang anak na si Miggy ang pag-aani ng mga tanim nilang gulay.

Makikita sa larawang ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram ang mga gulay na kanilang in-ani pati na rin ang larawan ni Miggy na tila’y enjoy na enjoy sa kanyang ginagawa.




Credit: @mrsnerimiranda on Instagram

Tila’y ang mga gulay na kanilang in-ani ay ang mga sangkap na gagamitin umano ni Neri sa pagluluto ng kanilang mga pagkain, lalo na ang special request ni Miggy na sinigang na hipon at ginisang pechay naman para kay Chito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda)


“Naka ani na naman si Don Miguel! Eto yung naani nya kahapon at gusto raw nyang mag sinigang na hipon. Tapos yung tatay naman niya, nagrequest ng ginisang pechay. Ayn dinner namin kagabi. Ngayon naman, mag lumpiang sariwa kami dahil ang dami naming lettuce!”

Ayon sa caption ni Neri sa naturang post ay kanyang ibinahagi ang kaligayahan na kanyang naramdaman sa pagkakaroon ng sariling farm, lalo na at katuwang nya sa pagtatanim ang kanyang anak na si Miggy na syang tulad nya ay labis na na-enjoy rin ang pagtatanim sa kanilang hardin.


Credit: @mrsnerimiranda on Instagram

“Saya saya ng may sariling garden. Pitas ka lang ng pitas! Yung tinanim pala ni Miggy na pakwan, may bunga na pero maliit palang. Aba’y dinaig pa ako ng batang to. Ang bilis magpatubo ng mga halaman. Galing sa buto talaga. Nakakatuwa! Hindi ako nahihirapan na magpasama sa garden dahil nag eenjoy talaga sya. Yun nga lang at dumi nya pagkatapos! Para syang naglaro sa putikan! Haha! Ligo na lang after gardening.”




Credit: @mrsnerimiranda on Instagram

Ang unti-unting pag-abot sa mga pangarap na ginagawa ni Neri para sa kanyang pamilya, ang isa sa mga itinuturing nyang greatest motivation upang patuloy na lumaban sa buhay.

“Napapagod, magpapahinga lang, pero never susuko. Para sa pamilya, go lang! Ayan ang greatest motivation ko, ang pamilya ko. Masarap mangarap at unti-unting tinutupad kasama ang ating pamilya,”