Bearwin Meily, hindi napigilan maging emosyonal matapos ibahagi ang hirap na pinagdaanan ng kanilang pamilya

Ang aktor na si Bearwin Meily ay isa sa mga sikat na komedyante noong 90’s, na mas lalo pang naging patok sa masa dahil sa kanyang pagpapatawa, ng sya ay makilala sa kanyang expression na “Yahoong-yahoo”.

Sa kanyang paglabas sa telebisyon noon ay marami na ang humanga sa kanyang galing at husay, bilang isang aktor at komedyante sa mga pelikula na sinubaybayan ng publiko.




Credit: Ogie Diaz Youtube Channel

At sa paglipas ng panahon ay dito na rin naging tahimik ang karera ni Meily, hanggang sa mapansin ng publiko ang naging malaking pagbabago sa buhay ngayon ng komedyante.

Sa naging panayam ng komedyante sa YT channel ni Ogie Diaz, ay kanyang inilahad ang kasalukuyang buhay ngayon sa likod ng kamera, at ikinuwento din ang hirap na pinagdaanan ng kanilang pamilya ngayong pandemya.

Kasalukuyang ngayong abala si Bearwin sa kanyang food business na isang “Corny Doggy”, na siya mismo ang nagse-serve sa kanyang mga customers.


Credit: Ogie Diaz Youtube Channel

At ng mapunta sa seryosong usapan ang naging pag-uusap ni Ogie at Bearwin, ay dito na rin makikita ang pagiging emosyonal ng komedyante ng ilahad nito ang h!rap na pinagdaanan ng kanyang pamilya.

Tila’y sa pagdating ng pandemyang ito ay dito rin labis na sinubok ang katatagan at katapangan ni Bearwin at ng kanyang pamilya, na harapin ang problema sa pinansyal na naging hudyat upang maibenta ang kanilang bahay.

“You surr3nder in a sense na kahit hindi mo matanggap na ibenta mo ‘yong bahay mo, ibebenta mo, e. Binenta namin ‘yong bahay namin. One thing, wala kaming pambayad. Kesa maremata ng banko, binenta ko.”


Credit: Ogie Diaz Youtube Channel

Dumaan man sa hirap hindi pa rin nawala ang pananampalataya ni Bearwin sa Panginoon, na kanyang naging gabay at sandigan upang harapin at malagpasan ang problema ng kanyang pamilya.

“Pero kapag wala ka nang aasahan dito, walang industriya, walang trabaho, hindi ka nanalo, so wala kang ibang kakapitan kung ‘di ang Diyos.”

“Kumbaga, dati stressed na str3ssed ka, ngayon when you surrender everything sa Diyos, tanggap mo ‘yong sitwasyon na hindi ka na ngarag, naghahabol sa bayarin mo kasi wala ka nang malaking babayaran kasi nangungupahan ka na lang.”




Credit: Ogie Diaz Youtube Channel

Malaki ang pasasalamat ni Bearwin sa Panginoon, dahil hindi sila kailanman pinabayaan kahit na maraming tao ang patuloy pa rin ibinababa at pinagtatawanan ang naging estado ng kanyang pamumuhay ngayon.

“I always count my blessing. Every gising is a blessing. Kumpara sa iba, kahit kailan ‘di tayo pinabayaan ng Diyos. What more can I ask for?”

Huling napanood si Bearwin sa programang “Home Sweetie Home” at nakasama ang mahuhusay na aktor at aktres na sina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga.