Ruffa Gutierrez, masayang ibinahagi ang naging pagtatapos sa highschool ng kanyang panganay na si Lorin

Isang maligayang pagtatap0s para kay Lorin Gabrielle na panganay na anak ng celebrity mom na si Ruffa Gutierrez, matapos makapagtapos ang kanyang anak ngayong taon sa highschool.

Ang proud mommy na si Ruffa ay ibinahagi ang tagumpay na nakamit ng kanyang first graduate, na makikita sa kanyang Instagram ang kanilang larawan na magkasama.

Sa larawang ito ay makikitang suot-suot ni Lorin ang kanyang graduation gown at toga, at isang taos-pusong mensahe naman ang ipinaabot ni Ruffa sa kanyang anak base sa naging caption nito sa kanilang naturang larawan.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag)


“Congratulations to my first graduate, @loringabriella 💙 💙💙

I will save the hugs, kisses and mushy messages for us in private. Always know that @venicebektas, the family & I are proud of you. We will hold your hand as you move forward to the next chapter in life. Soar high! Follow your dreams but never forget…God first. 🤩💫✨🌟 WE LOVE YOU!! ❤️❤️❤️ #ProudMom #bsmgraduation2021”

Matatandaan na noong buwan ng Abril ng lumipad patungong Los Angeles, California si Lorin, upang paghandaan ang graduation nito sa June at ang planong pagkuha ng business course mula sa kanyang dream school.

“UCLA is my dream university and I hope to study there after high school, but it’s incredibly hard to get into for actual college so I’m making sure to keep my options open.”

At ngayong naka-graduate na si Lorin sa The British School Manila, ay ito na rin ang simula sa pag-abot ng kanyang mga pangarap at isa na rito ang pangarap nyang maging artista upang sundan ang yapak ng kanyang ina.

“Even in high school when I was focused mainly on school, I already took part in plays. I would do drama classes. I’ve always had the passion for acting. It was genuinely something that I enjoyed and something I did on my free time. At that time, because I was so busy with school, I would only do it sa school setting.”



 

View this post on Instagram

 

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag)


Kamakailan lang ng pumirma si Lorin ng executive contract sa isang sikat na talent agency, at kanyang masayang inanunsyo na sya ay bahagi na ng Viva Artists Agency.