Ivana Alawi, namahagi ng mga pagkain at pera sa mga kababayan bilang pasasalamat at selebrasyon sa nakamit na 13 million subscribers

Bilang pasasalamat ng aktres na si Ivana Alawi sa pag-abot ng 13 million subscribers sa kanyang YT channel, ay naisipan nyang mamahagi muli ng mga biyaya sa ating mga kababayan.

Sa bagong video na inilabas ni Ivana ay 1,300 katao ang nabahagian ng mga eco bags na naglalaman ng mga paboritong pagkain ni Ivana tulad na lamang rice cakes at delata, pati na rin ang bigas, vitamins, at face mask ay kasama din sa laman nito.


Credit: Ivana Alawi Youtube Channel

Ayon kay Ivana ang tagumpay na ito na kanyang nakamit ay gusto nyang ibahagi sa ibang tao, at ang paggastos para sa isang enggrandeng selebrasyon ay hindi umano praktikal lalo na sa kasalukuyang sitwasyon ng ating bansa.

“Ito kasi parang pinag-isipan ko sya, ayoko na sana mag-celebrate ng enggrande o gumastos sa celebration. Kasi mas gusto ko itulong na lang sa mga taong nangangailangan. Kailangan mo maging praktikal ngayong pandemic.”

“Mas maganda talaga ibalik yung blessings. So this is my on small way of celebrating a milestone, ang 13 million with you guys.”




Credit: Ivana Alawi Youtube Channel

Maliban sa eco bags na kanilang ipinamahagi, ay nagluto rin ng kanin at ulam si Ivana na kanyang tinawag na “Adobo ala Alawi”, at kanyang nakatulong naman sa paghahanda ng mga ito ay ang kanyang ina na si Mama Alawi.

“I’m happy kasi lahat ng mga prinepare ko today is yung mga favorites ko kasi gusto ko din ibalik sa inyo yung the best.”

Kasunod ng mga pagkain na ibinigay ni Ivana ay naisipan rin nyang magbahagi ng pera, at sa bawat eco bags na kanilang ibibigay ay mayroong 1,000 cash na kasama ang mga ito.


Credit: Ivana Alawi Youtube Channel

Malaki ang naging pasasalamat ni Ivana sa Panginoon para sa mga biyayang kanyang natanggap at pati na rin sa kanyang mga supporters na walang sawang sumuporta at nagmahal sa kanyang pamilya.

“Gusto ko mag thank you kay God, for giving us the blessings and of course sa inyo mga nanunood. Lagi kong ibabalik sa inyo ‘to and this is just the beginning, so sana ma-inspire din kayo.”


Credit: Ivana Alawi Youtube Channel

“Magluto kayo, or kung ano man yung naiisip nyo, let’s always help our kababayans kasi dapat dito sa Pilipinas lahat tayo nagtutulungan. This is such a beautiful celebration, and I feel so happy and kahit yung pagod wala lang ‘yun sa mga taong mapapasaya natin.”

Hangad ni Ivana tulad niya ay magsilbing inspirasyon rin ang kanyang munting pagtulong sa ating mga kababayan, kahit sa simpleng pamamaraan ay marami ng pamilya ang kanilang matutulungan.




Credit: Ivana Alawi Youtube Channel

“I hope ma-inspire din kayo to help out in your own small way, hindi naman kailangan mamigay ng madami, hindi rin kailangan magluto ka ng madami. Ang importante galing sa puso mo,”