Anak ni Jhong Hilario na si Sarina, kinaaliwan ng mga netizens dahil sa naging reaksyon nito sa pag-uusap nila ng kanyang ama

Sa bawat videos ng aktor at TV host na si Jhong Hilario kasama ang kanyang baby girl na si Sarina, ay talaga naman ang kanilang bonding mag-ama ang isa sa mga nagbibigay-aliw sa mga netizens ngayon.

Lalo na kapag ang munting ngiti ni Sarina ang iyong nasilayan, tiyak na hindi kataka-takang namana nito ang pagiging masiyahin sa kanyang ama na si Jhong.


Credit: @maialevisteazores on Instagram

At sa pagkakataong ito ay muli na namang kinagiliwan ng mga netizens ang cute video nina Jhong at Sarina sa videong ibinahagi ng aktor sa kanyang social media account.

Sa Instagram ni Jhong ay makikita ang video nilang dalawa ng kanyang anak, at mapapansin na tila’y malalim ang pinag-uusapan ng mag-ama habang nakaharap sa isa’t-isa.




Credit: @jhonghilario on Instagram

Hindi nakalampas sa mata ng mga netizens ang labis na pagtitig ni Sarina, sa kanyang Daddy Jhong habang siya ay kinakausap nito.

At kahit 2 months old pa lamang si Sarina, ay iyong kaaaliwan na ang naging pagsagot nito sa bawat katanungan ng kanyang ama, at tila’y sinasang-ayunan pa ang bawat sinasabi nito sa kanya.

Ayon sa caption ni Jhong sa naturang video nilang dalawa, ay kanyang sinabi na magkaka-bl0od cl0t daw sya umano dahil sa naging pagsagot ng kanyang anak.


“Magkakabl0od cl0t ako kay @sarinahilario kasi sumasagot eh! 😂😂😂 #2months”

Kung si Jhong ay naaliw sa kanilang cute video ng kanyang anak, ay ganun rin naman ang naging reaksyon ng mga netizen at nagbigay rin ng kanilang komento sa naging video ng mag-ama.

“Cutie namn baby sarina❤️❤️❤️”


Credit: @jhonghilario on Instagram

“Ang kyutt kyuttt po ng baby mo sir jhong😍😍😍”

“Heart to heart talk daw minsan 😂! Cute cute naman that baby 😍!”

“Cute baby girl sarina sweet daddy sample king kyus jhong.”


Credit: @jhonghilario on Instagram

Sa isang banda ay makikita rin naman ang naging masayang bonding time ng kasintahan ni Jhong na si Maia Leviste Azores, at ng kanilang anak sa naging post nito sa IG story.

Kung si Jhong at Sarina ang kanilang masayang bonding ay pagpapa-araw tuwing umaga, ay tila’y pagdating naman kay Maia ang paggawa ng Tiktok videos ang kanilang napagkakasunduan mag-ina.

Makikita sa IG story ni Maia ang naging tiktok videos ni Sarina, at mapapansin ang labis na pag-eenjoy nito sa kanilang naging masayang bonding time kasama ang kanyang Mommy.




Credit: @maialevisteazores on Instagram

Isinilang ni Maia ang napaka-cute na si Sarina noong March 27, ngayong taon.