Nikki Gil, masayang ipinasilip ang kanyang baby bump sa nalalapit na pagdating ng kanyang 2nd baby

Isa si Nikki Gil sa mga naging popular na singer noon sa industriya ng showbiz dahil sa kanyang ipinakitang husay at galing sa pag-awit.

Maliban pa sa pagiging isang mahusay at sikat na mang-aawit, ay hinangaan din siya sa kanyang mga natatanging talent tulad na lamang ang pagiging isang aktres, modelo, artist at TV host.


Credit: @nikkigil on Instagram

Nagsimulang lumagay sa tahimik na buhay si Nikki ng kanyang pakasalan ang kanyang asawa na si BJ Albert, na isang businessman noong December ng taong 2015.

At bunga ng kanilang pagmamahalan ay ang pagdating ng kanilang panganay na si Finn, na syang excited na ngayon sa paglabas ng kanyang bunsong kapatid.

April ng ibalita ni Nikki ang magandang anunsyo sa publiko patungkol sa pagbubuntis nito, sa kanilang ikalawang baby ng kanyang asawa na si BJ.




Credit: @nikkigil on Instagram

Dobleng pag-i!ngat ang ginagawa ngayon ni Nikki, para sa kal!gtasan at magandang kalusugan ng aktres at ng kanyang baby lalo na ngayon na may kumakalat pa rin na v!rus sa paligid.

Makalipas nga ang isang buwan, ay ipinakita muli ni Nikki ang update sa kanyang pagbubuntis, at sa larawang ibinahagi sa kanyang Instagram ay mapapansin ang kanyang baby bump habang sya ay nakasuot ng red dress.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nikki Gil-Albert (@nikkigil)


“Tyan Check 🤰🏽😅”

Nalalapit man ang pagdating ng kanilang 2nd baby, hindi naman maitago ang pagiging excited ni Finn na makilala at makita ang kanyang bagong playmate, na syang kabaliktaran naman ng nararamdamang nerbyos ni Nikki sa kanyang pagbubuntis.

“Someone is excited to meet his new playmate! 😆 while the other one is nervous! 😅🤰🏽 but grateful for my support system aka my husband, my mommy friends.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nikki Gil-Albert (@nikkigil)


Ganunpaman, ay masaya at panatag pa rin ang aktres sa suportang kanyang natatanggap mula sa kanyang asawa na si BJ pati na rin sa kanyang mga kapamilya at kaibigan.

Tila’y ang pagiging isang ina ang isa sa mga naging challenge para kay Nikki, lalo na sa tuwing kausap ang panganay na si Finn.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nikki Gil-Albert (@nikkigil)


“What I love most about this season of motherhood is that i can now have actual conversations with Finn ❤️”

“He’s also more difficult to argue with now lol but the “I love you Mama” I get 50x a day more than makes up for it.”




Credit: @nikkigil on Instagram

Ngunit wala ng mas isasaya pa na makita at masubaybayan ang paglaki ng mga anak, na syang isa sa mga magandang bagay na nangyari sa buhay ni Nikki sa kanyang pagiging isang ina.

“I love that he’s now able to articulate his thoughts (mostly about airplanes and buses) and I get to see his personality more.”