Melai Cantiveros at Jason Francisco, pinasalamatan ang kanilang mga supporters sa panibagong surpresang kanilang natanggap

Nakilala ang tambalang Melason na kinabibilangan ng TV host na si Melai Cantiveros at asawa nitong aktor na si Jason Francisco, ng mabuo ang kanilang love story sa Pinoy Big Brother house.

Mula sa kanilang masayang pag-iibigan ay humantong rin sa kasalan ang kanilang matamis na pagmamahalan, at nagbunga ito ng mabiyayaan ng dalawang magagandang supling ang dalawa na sina Mela at Stela.


Credit: @mrandmrsfrancisco on Instagram

At bilang pasasalamat ni Melai at Jason sa kanilang mga supporters, ay isang malaking sorpresa ang inihanda hindi lamang sa kanilang mga taga hanga kundi pati na rin sa kanilang mga anak na sina Stela at Mela.

Sa bagong vlog ng Melason Family, aakalain na tila’y nagdadalang tao si Melai matapos nilang i-prank si Stela na siya ay magiging Ate na.

“Itong surprise ni Mama at ni Papa, will make Stela happy, angry, sad, and excited.”




Credit: Melason Official Youtube

At nang tanungin ni Melai si Mela at Stela kung ano ang mararamdaman ng dalawa kapag sila ay magkakaroon na ng bagong kapatid, tila’y masaya at excited Ate naman ang tugon ni Mela.

“I’m so very happy – because it’s like I got a new baby and I’m gonna hug her body and it’s so cute.”

Samantalang si Stela ay agad na hindi sumang-ayon sa ideyang iyon sa pagkakaroon ng kapatid. “No – Ayaw ko.”


Credit: Melason Official Youtube

At bilang panganay at nakakatanda kay Stela, ay ipinaliwanag ni Mela sa kanyang bunsong kapatid na masaya ang magkaroon ng isang baby brother.

“Stela, if you get a baby boy, he will not get your stuff because he like cars. ‘Pag meron kang baby boy Steya, meron na lalaki mag-aalaga sayo, siya maghe-help sayo.”

At ng inilabas na ni Melai ang sonogram ay naging hudyat naman ito ng pagiging emosyonal at pag-iyak ni Stela. “I don’t want that.”


Credit: Melason Official Youtube

Ngunit ang hindi alam ni Stela ay prank lamang ang lahat, at ang sonogram na ipinakita ng kanyang Momshie Melai ay sonogram mismo ni Stela noong siya ay nasa sinapupunan pa lamang nito.

“Hi guys! This is a picture of the baby of Momshie Melai and the name of the baby is, Stela Rosalind Francisco.”

At ng malaman ni Stela na ito ay prank lamang, makikita naman ang pagkalma nito mula sa kanyang pag-iyak at sinabi ng kanyang mga magulang na siya pa rin ay mananatiling baby nila.


Credit: Melason Official Youtube

“Ito si Baby Stela nung baby ka so, ang aming baby pa din ay walang iba kundi si Stela.”

Tila’y ang pagkakaroon ng anak muli nina Melai at Jason ay nakasalalay umano kay Stela kung kalian ito magiging handa sa resulta.

“Sya kasi magde-decide guys.”




Credit: Melason Official Youtube

Bilang malaking sorpresa, ang Gold Play Button na kanilang nakuha ang inihandog ng Melason Family sa kanilang labis na pasasalamat sa mga viewers sa labis na suporta at pagmamahal sa kanilang pamilya.

“Guys thank you so much sa lahat ng mga sumusuporta talaga sa amin, ito yung big surprise namin sa inyo. At ito ay inaalay namin sa inyong lahat.”