Andi Eigenmann, ibinahagi ang masayang buhay ng pagiging isang ina kasama ang pamilya sa Siargao

Ang kanyang pagiging isang ina ay talaga namang hinangaan ng karamihan, mula sa pagiging madiskarte, mapagmahal at supportive mom sa kanyang mga anak ang nagsilbing inspirasyon sa karamihan upang siya ay mas lalo pang hangaan.

Kaya naman ang “Tough Mama” na si Andi Eigenmann ay muling pinabilib ang publiko, sa kanyang pagiging natural at galing sa pakikisama lalo na sa mga taga Surigaonons.


Credit: @andieigengirl on Instagram

Bilang pagdiriwang sa nagdaang Mother’s Day, ay ipinakita ni Andi ang kanyang buhay bilang isang ina sa loob ng isang araw.

Sa bagong video na inilabas sa kanilang YT channel na Happy Islanders, ay makikita ang naging paghahanda at pag-aasikaso ng aktres sa kanyang pamilya.

Bilang panimula sa kanyang araw ay ipinakita ng aktres ang kanyang naging workout, at matapos nito ay ang simula na rin ng kanyang mommy duties ang pagluluto.




Credit: Happy Islanders Youtube

At dahil kasalukuyang tinatapos pa ang kanilang kitchen, ay masayang ipinakita ni Andi ang mga cute at handy appliances na kasalukuyan nyang ginagamit sa pagluluto.

Sa kanyang paghahanda ng kanilang kakainin para sa kanilang breakfast, ay gumawa si Andi ng banana waffles gamit ang blender at waffle maker.

Matapos nito ay naisipan naman ng aktres na isama ang kanilang viewers sa kanyang pagbili sa isang tindahan, upang bumili ng mga kakailanganin sa kanyang pagluluto ng Tuna Pasta.


Credit: Happy Islanders Youtube

At pagdating sa naturang tindahan ay dito naman kinabiliban si Andi matapos siyang bumili ng kanyang mga kailangan, sa pamamagitan ng pagsasalita sa Bisaya.

Ngunit ang mas lalo pang nagpabilib sa karamihan ay ang naging pagpili ng aktres ng murang spaghetti noodles, na siyang makikita ang pagiging praktikal ni Andi pagdating sa kanyang lulutuin.


Credit: Happy Islanders Youtube

Ang tuna pasta na ginawa ni Andi ay isa umano sa mga paborito ng kanyang fiancé na si Philmar Alipayo, at isa sa mga laging request nito na kanya umanong lutuin.

“I’m just gonna make a quick pasta because pasta is Lilo’s favorite. But this specific pasta, is Papa’s favorite it’s one of the first thing I made na – super lagi niyang ina-ask for me to do.”

Bukod sa ibang appliances, ay ipinakita din ni Andi ang kanyang rechargeable handy fan, 8 in 1 Multicook, infrared induction cooker, glass hob stove, at ang perfect para ngayong tag-init ay ang velocity fan at cold front cooler na kanilang gamit-gamit sa bahay.




Credit: Happy Islanders Youtube

Ang anak ni Andi na sina Lilo at Baby Koa ang kasa-kasama nya ngayon sa isla, samantalang ang panganay nyang si Ellie naman ay kasalukuyang nasa Manila, upang magbakasyon kasama ang ama na si Jake Ejercito.