Ivana Alawi, agaw pansin ang kanyang napakagandang customized van na nagmistulang bahay sa ganda

Sa kauna-unahang pagkakataon ay masayang ibinahagi ng aktres at isa sa mga sikat na YT vlogger na si Ivana Alawi, ang isa sa kaniyang itinuturing na ikalawang bahay.

“Ang second house ko ay ang aking Van.”


Credit: Ivana Alawi Youtube

Mula sa panibagong video na in-upload ng aktres sa kanyang YT channel, ay isinama ni Ivana ang kanyang mga viewers sa isang van tour na siyang binili niya apat na taon na ang nakakaraan.

“Matagal na ‘tong van na ‘to, I think nabili ko sya 4 years ago – tapos pina-customize ko sya, tapos nakakatuwa kasi talagang nag stay pa rin sya.”

Ayon sa aktres, ang customize van nyang ito ay kanya mismo sanang gagamitin sa tuwing sya ay mga tapings, ngunit dahil sa pandemya ay hindi niya rin halos nagamit ang kanyang sasakyan.




Credit: Ivana Alawi Youtube

“Kapag nasa taping kasi kami dati, kaya ko sya pinagawa dati is investment sya para makatulog ako.”

Ganunpaman, ay masaya pa rin ang aktres dahil isa rin ito sa kanyang mga naging investment, na maaari nyang gamitin at ng kanyang pamilya sa tuwing sila ay magbabakasyon.

“Matagal na ‘to bago pa ko nag vlog meron na sya, nung pa-start pa lang ako sa mga taping, ito yung in-invest ko.”


Credit: Ivana Alawi Youtube

Sa customized van na ito ni Ivana ay mamamangha ka naman sa naging itsura ng nito na nagmistulang isang bahay, dahil na rin mismo sa kanyang sofa na nagiging isang kama na rin at maaari na ding gawing imbakan ng mga pagkain.

“Ang isa sa mga sikreto ko ng van ko, proud ako dito kasi parang ang ano, para akong tindahan – marami akong mga pasikot-sikot kasi ‘yun nga yung gusto ko. Yung marami akong mailalagay na hindi nakikita ng tao kasi ayan, nagiging tindahan ako minsan.”

Makikita rin sa loob ng van ni Ivana ang starlight na remote control, TV, speaker, Bible at isang arinola na sobrang mahalaga umano sa aktres sa tuwing sya ay bumabyahe.


Credit: Ivana Alawi Youtube

“Sobrang importante ‘to lalo na ngayon na sobrang nagagamit ko sya kasi ayokong nagc-cr sa labas. Diba kaya wag mo na ikahiya ang arinola mo.”

Kulay beige at brown naman ang naging tema ng disenyo ng van na ito ng aktres, na makikita ang pagkahilig niya sa mga ganitong kulay.

Ayon kay Ivana ang pagkakaroon ng bagong sasakyan ay wala sa kanyang isipan at ang pagtulong sa kapwa, pag-iipon ang siyang priority nya sa ngayon.




Credit: Ivana Alawi Youtube

“Ganun kami pinalaki na parang hindi porket nagka pera ka or naging okay ka, bumili ka kaagad ng next na mas maganda. I think enjoyin mo lang kung anong meron ka, mag-ipon ka, tumulong ka, ‘yun yung mga priorities ko.”