Coleen Garcia at Billy Crawford, ibinahagi ang cute videos ni Baby Amari kasabay ng pagdiriwang nito ng kanyang ika-8th month celebration

Ang kanyang hatid na good vibes, ay talaga namang mas lalo pang nagbigay kasiyahan sa mga netizens, lalo na at kanilang muling nasilayan ang nakakatuwang video ni Amari.

Mula sa bagong video na inilabas ng ama ni Amari na si Billy Crawford sa Instagram nito, ay makikita ang naging pagpapa-cute ni Amari sa kanyang Daddy habang sya ay kumakain.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Billy Crawford (@billycrawford)


“If this doesn’t brighten up your day, you’re [email protected]! 😂”

Tila’y hindi lamang sina Billy at Coleen Garcia ang ina ni Amari, ang marunong magpa-cute sa harapan ng kamera, kundi pati na rin si Amari ay hindi rin nagpahuli.

Dahil dito ay umani ng komento mula sa mga netizens ang naging video ni Amari, at karamihan sa mga ito ay hindi rin napigilan ang matuwa at manggigil sa cuteness ni Amari.




Credit: @billycrawford on Instagram

“Hala siya, pa-cute ka baby Amari 😍”

“Grabe so gwapo😍😍😍😍😍”

“So adorable.❤️❤️love you baby!”


Credit: @billycrawford on Instagram

At ngayon sa pagdiriwang ng ika-8 months ni Amari ay mas lalo pang hinangaan ng mga netizens ang kanyang ka-cute-an at pagiging inosente sa maraming bagay.

“Happy 8 months (😭) to this little boy!!! The sweetest blessing ever.”

Kung si Billy ay ibinahagi ang naging pagpapa-cute ng kanyang anak, tila’y si Coleen naman ay masayang ibinahagi ang video ng naging pag-eenjoy ni Amari habang nagpapatugtog ng piano.


Credit: @coleen on Instagram

Sa video ay makikita na sa unang bahagi ay ine-enjoy ni Amari ang pagpapatugtog ng piano habang siya ay nakaupo, at kalaunan ay kanyang nadiskubre na mas masaya pa lang patugtugin ito habang nakatayo at gamit ang kanyang mga paa.

Dahil dito ay hindi naman napigilan nina Billy at Coleen na matuwa sa naging reaksyon ng kanilang anak habang ine-enjoy nito ang pagpapatugtog ng piano.

Ayon pa kay Coleen ang pagkahilig ni Amari sa music, ang siyang namana umano ng kanyang anak sa asawang si Billy, at ang pagiging impatient, impulsive, at mainipin ang siyang umanong namana ni Amari sa kanya.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coleen Garcia Crawford (@coleen)


“You may have gotten your love for music from your Daddy, but I’m proud to say your impatience, impulsiveness, and attention span are all me. 🙋🏻‍♀‍🤣 I LOVE YOU SO MUCH UGH”