Anak ni Sample King Jhong Hilario na si Sarina, nagpamalas ng nakakatuwang ngiti habang kasa-kasama ang kanyang daddy

Matapos ang pansamantalang paglisan ng aktor at TV host na si Jhong Hilario sa telebisyon, ngayon ay masayang sinusulit ng Sample King na si Jhong, na kasa-kasama ang kanyang bagong silang na anak na si Baby Sarina.

At ngayon bilang hands-on daddy kay Baby Sarina, ay makikita ang labis na pag-eenjoy ni Jhong sa pag-aalaga at pagbabantay sa kaniyang anak ngayong quarantine.


Credit: @jhonghilario on Instagram

Tila’y ang pagdating ni Sarina sa kanilang buhay ng kanyang non showbiz girlfriend na si Maia Azores, ang naging daan upang mas lalong masulit ni Jhong ang mga panahong kasama ang anak.

“Unang-una ‘yung pagpapaaraw. Kailangan kong gumising ng 6:30 ng umaga para mapaarawan si Sarina. Tapos ‘yung pagligo, ako nagpapaligo sa kanya. Siyempre palitan din kami (ni Maia) sa palitan ng diapers at pagpapalit ng damit.”




Credit: @jhonghilario on Instagram

At bahagi ng pagiging hands-on Dad ni Jhong, ay ang maagang paggising nito araw-araw upang paarawan si Baby Sarina.

Sa larawang ibinahagi ni Jhong sa kanyang Instagram, ay makikitang yakap-yakap nito ang kanyang anak, at mapapansin na tila’y nag-eenjoy rin na kasama ni Baby Sarina ang kanyang Daddy Jhong sa bawat pag ngiti nito sa naturang larawan.

Sa naging caption ni Jhong sa naturang post ay masaya umano ang sample king sa tuwing nakikita nyang masaya rin ang kanyang anak na kasama sya.


“I’m so happy that you are happy when you are with me. ❤ @sarinahilario”

Mula sa kanilang larawang mag-ama ay marami naman ang nagbigay ng kanilang komento at pinuri ang kagandahan ni Baby Sarina kahit ito ay maliit pa lamang.

“Ang ganda-ganda nya. 🙂😍🌸💖”

“So cute! Can’t wait to meet her ❤️”




Credit: @jhonghilario on Instagram

“Aayy, ang cute ni baby girl Sarina…smiling with her doting Dad!!!🙏😍🙏😍”

Hindi mapigilan ni Jhong ang pagiging proud Daddy kay Baby Sarina, at makikita ang kasiyahan sa aktor mula sa bawat pagkuha ng litrato sa kanyang anak.


“Pasensya na My Princess. Ako nalang muna mag pictorial sayo. 😘😘😘”

At dahil nakilala si Jhong bilang Sample King sa it’s Showtime, hindi naman papayag ang aktor na hindi maipamana kay Baby Sarina ang kanyang husay at galing pagdating sa sayawan.

“Kasi parang hindi naman ako papayag na talagang hindi siya matutong magsayaw. Sabi ko nga, siguro it’s time na ‘yung talent ko ipasa ko naman sa kanya.”

Si Baby Sarina ay isinilang ni Maia noong March 27, via cesarian delivery.