Maymay Entrata, ibinahagi ang malaking blessing na natanggap sa pagdiriwang ng kanyang ika-24th birthday

Muling ginulat ng aktres na si Maymay Entrata ang publiko sa kanyang naging balita, na nagsilbing malaking regalo rin para sa selebrasyon ng kanyang ika-24th birthday noong May 6.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay napabilang si Maymay bilang isa sa mga Pinay na nakamit ang top model status, matapos nyang magpatagumpayan ang pagsabak sa Arab Fashion Week runway na ginanap noong taong 2018 sa Dubai.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MayMay Entrata (@maymay)


Kaya naman ang pagkakataong ito ay nagbigay ng bagong oportunidad kay Maymay na maging bahagi ng international magazine cover.

Sa larawang ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram, ay makikita ang 3 International Magazine Cover, at si Maymay ang makikitang modelo sa naturang larawang ito.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by MayMay Entrata (@maymay)


Mula sa isang luxury travel magazine sa Dubai ang kumuha kay Maymay at mapabilang sa kanilang magaganda at mahuhusay na modelo.

Ang aktres ay personal na inimbitahan ng Furne One bilang maging muse, kasama ang mahusay na Filipino Fashion Designer na si Josh Yugen, upang mapasama sa Pre-Fall 2019 collection ang Amato Couture.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MayMay Entrata (@maymay)


Sa tagumpay na dumating sa aktres, ay umani ng samu’t-saring papuri at komento mula sa publiko ang kanyang natanggap, at ang iba ay hindi napigilang mamangha sa angking ganda ng aktres.

“TABEEEE! MAY DADAAN. 🔥🔥🔥🔥❤️”

“ayaaan na 🔥🔥🔥 jennie ka girl? apaka ganda 😍😍”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MayMay Entrata (@maymay)


“GRABEEEEEEEE 🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥”

“Ready na MM… Ang ganda ganda mo dito 🔥❤️❤️❤️”

“Yes na yes bebe girl😍❤️🔥”


Credit: @maymay on Instagram

Maituturing na isa ito sa masayang pagdiriwang ng ika-24th birthday ni Maymay, mula sa mga pagbati at regalong kanyang natanggap para sa kanyang kaarawan.

“Ang aking kaarawan ay selebrasyon hindi lamang para sa sarili ko kung hindi para sa mga taong patuloy na pinaparamdam sa akin ang totoong pagmamahal. Patuloy kong ipinagdarasal na sana’y mas palakasin pa ng ating panginoon ang ating loob upang malagpasan natin kung ano man ang h!rap na pinag dadaanan ng bawat isa sa atin.”




Credit: @maymay on Instagram

Labis na pinasalamatan ni Maymay ang mga taong nakaalala, at nagbigay ng kanilang suporta at pagmamahal para sa aktres.

“Sa lahat po ng mga bumati sa akin, hindi ko man po kayo lahat mareplyan, taos puso po akong nagpapasalamat. Sobrang randam ko po ang pagmamahal ninyong lahat. Nawa’y patuloy nating ipalaganap ang pagmamahal sa lahat at unawain ang isa’t isa dahil yan ang mas kelangan natin sa mga panahong ito. Again, MARAMING SALAMAT PO SA INYO. 🤍”