Jake Ejercito at anak na si Ellie, ibinahagi ang kanilang masaya at makulit na Father-Daughter bonding sa Manila

Sa masayang pagbabakasyon ni Ellie sa Manila kasama ang kanyang Daddy Jake Ejercito na isang aktor, ay tila’y labis nilang sinulit ang pagkakataong maka-bonding ang isa’t-isa.


Credit: @unoemilio on Instagram

Sa bawat larawan at videos na pino-post ni Jake sa social media ay makikita ang closeness nilang mag-ama, at makikita rin ang suporta ng aktor sa bawat hilig gawin ng kanyang anak.

Patunay nito ang larawang ibinahagi ni Jake sa kanyang Instagram at makikita ang kanilang cute wacky pictures na magkasama sa isang zoom meeting screen.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by jake ejercito (@unoemilio)


“We’ve just added “zoomb0mbing” to her favourite things to do list.”

Tila`y ang ganitong klaseng bonding nilang mag-ama ang labis na ine-enjoy nina Jake at Ellie, lalo na at hindi rin naman nagpapahuli ang aktor sa mga gustong gawin ng kanyang anak.

Sa kanilang cute wacky pose, ay marami namang netizen ang natuwa at nagbigay ng kanilang komento sa litrato nina Jake at Ellie.


Credit: @unoemilio on Instagram

“Soo cute ng mag daddy🥰🥰🥰🥰”

“Hala ang cute. 😍 hawig na rin kayong dalawa. 🥰”

“So nice bonding of father and daughter 🤗💕💕. keep it up..”


Credit: @unoemilio on Instagram

“So much love for the both of you ❤️”

“Hahaha super cute ❤️❤️❤️”

Maliban sa kanilang wacky pictures, ay makikita rin ang masayang bonding ni Ellie kasama ang kanyang pinsan, na anak ng kanyang Tita Jerika na kapatid ni Jake.

Ginaya ng mag pinsan ang old picture look nina Jerika at Jake na kuha pa noong taong 2014, at kanilang ginawan ito ng bagong bersyon na silang dalawa mag pinsan ang gumanap.




Credit: Jake Ejercito Facebook

Ngayon na may panibagong proyekto ang dumating kay Jake bilang bahagi ng teleseryeng “Marry Me, Marry You,”, ay kanya ring sinabi na labis niyang susuportahan ang anak na si Ellie kung nais rin nitong sumabak sa showbiz.

Si Ellie ay anak ni Jake sa dating kasintahan na si Andi Eigenmann na ngayon ay may sarili ng pamilya, kasama ang fiancé na si Philmar Alipayo at mga kapatid ni Ellie na sina Lilo at Baby Koa.