Bea Alonzo, nagbigay ng tulong pinansyal sa frontliners at kanyang mga helpers bilang pasasalamat sa nagdaang Labor Day

Sa kabila ng pandemyang patuloy na nararanasan sa bansa, may mga tao pa rin ang may busilak na kalooban at patuloy na nagkakaisa upang makatulong sa mga pamilyang nangangailangan.

Bilang pasasalamat at suporta sa kabayanihang ginagawa ng mga frontliners, pati na rin ang ating mga kasambahay na kasa-kasama sa loob ng tahanan ay nabigyan ng tulong pinansyal ng isang mahusay na Kapamilya actress.


Credit: Bea Alonzo Youtube

“I also want to give a special shout-out to all the frontliners for your bravery and for making it possible for us to stay safe at home. At siyempre, gusto ko ring i-celebrate ang aking mga kasambahay for making it convenient for me to stay at home even though they are far from their families.”

At ito nga ay walang iba kundi ang aktres na si Bea Alonzo at namahagi ng tulong pinansyal sa kanyang mga helper, pati na rin ang dalawang frontliners.

“To everyone who has been working hard to feed their families — sa mga nag-wowork from home, sa lahat ng nagpapakahirap in these trying times.”




Credit: Bea Alonzo Youtube

Sa araw mismo ng mga manggagawa (Labor Day), ay inilabas ni Bea sa kanyang YT channel ang panibagong video, na kung saan ay makikitang gumawa ng isang laro ang aktres na inspired mismo sa larong Minute To Win It.

Sa larong ito ay kanyang nakasama ang kanyang mga helpers at bilang suporta sa kanila, ay sumama rin sya bilang isa sa mga manlalaro sa naturang game na ito.

Ang mananalong team ay mayroong 20,000 pesos cash na mapapanalunan, samantalang ang mga hindi papalarin sa larong ito ay makakatanggap rin ng consolation prize na 10,000 pesos.


Credit: Bea Alonzo Youtube

Sa kanilang naging paglalaro ay makikita ang pagiging competitive ni Bea pati na rin ang ilan sa kanyang mga helpers, ay hindi rin nagpahuli at nakisabay din sa mga hamon.

Maliban sa mga helpers ni Bea, ay nag-abot rin ng tulong pinansyal ang aktres sa isa sa mga food delivery riders at isang nurse sa isang dialysis center ay natulungan rin ni Bea.

Nakatanggap ng 15,000 cash ang food delivery rider at 5,000 worth of load rin ang binigay ng aktres, samantalang 20,000 pesos naman ang ibinigay ni Bea para sa isang nurse na kanyang napiling matulungan.


Credit: Bea Alonzo Youtube

Malaki ang naging pasasalamat ni Bea para sa lahat ng mga food delivery riders, sa ating mga masisipag na frontliners at mga helpers na ating kasa-kasama sa loob ng tahanan, mula sa kanilang kasipagan at ginawang kabutihan sa ating pamilya upang tayo ay maging ligtas sa kabila ng pandemyang ito.




Credit: Bea Alonzo Youtube

“In these trying times, I can’t help but thank those who go the extra mile to keep us all safe. To our frontliners, delivery drivers, and especially the angels in our household who ensure our safety and health, THANK YOU.🙏🏻”