Andrea Brillantes, hindi inasahang makakatanggap ng mga mamahaling regalo mula sa mga sikat na personalidad

Ang “Kadenang Ginto” star na si Andrea Brillantes ay muling ginulat ang kanyang mga supporters, sa mga regalong kanyang natanggap sa kanyang ika-18th birthday noong March 12.

Hindi man nakapag enggrandeng selebrasyon ang aktres sa kanyang natapos na debut dahil sa pandemya, ay tila’y sobra-sobra naman ang naging kapalit, mula sa mga mamahaling regalo na natanggap sa kanyang kaarawan.


Credit: Andrea B. Youtube

Halos karamihan sa mga regalong natanggap ni Andrea ay mga luxury brands tulad na lamang ng mga Louis Vuitton, Gucci, at Balenciaga.

Sa bagong video na inilabas ni Andrea sa kanyang YT channel, ay kanyang ipinakita sa mga viewers ang mga regalo na kanyang natanggap tulad na lamang ng mga Gucci belt, scarf, shoes, at LV hair clips.

Nakatanggap rin ang aktres ng Givency Slides, Hermes sandals, at ilan sa mga jewelries, pati na rin ang ilan sa mga home appliances tulad na lamang ng cotton candy maker, ice cream maker, at stand mixer.




Credit: Andrea B. Youtube

Sa kabila ng mga regalong kanyang natanggap ay mas pumukaw naman sa atensyon ng mga supporters ni Andrea, ang regalong ibinigay ng ilan sa mga sikat na personalidad tulad nina Dr. Vicki Belo, Ivana Alawi, at Dimples Romana.

Isang brand new camera ang ibinigay ni Dr. Vicki sa aktres na siyang labis nyang nagustuhan dahil maliban sa ito ang kanyang dream camera, ito rin ay kanyang magagamit sa pagba-vlog.

“Ito na yung pinaka unang thank you – thank you po ‘kay Dr. Vicki Belo, thank you so so much po sa ‘pag regalo sa’kin nitong dream camera ko.”


Credit: Andrea B. Youtube

At ang hindi inaasahang regalo na natanggap ni Blythe sa mismong araw ng kanyang birthday ay ang regalong ibinigay ng aktres na si Ivana Alawi para sa kanya.

“Tapos eto guys, kahit naman bigyan nya lang ako ng papel, masayang masaya na ko. Pero hindi ko ine-expect na binigyan ako ni Ate Ivana ng bag. Alam mo ‘yun, candy lang ang saya-saya ko na.”

Isang Gucci backpack ang ibinigay ni Ivana para kay Blythe na siyang labis na nagustuhan ng aktres, lalo na ang naging short greeting message na ipinaabot para sa kanya.


Credit: Andrea B. Youtube

“Tas sabi pa nya sakin ang lakas ko daw sa kanya. Sorry guys ako na yung nauna, pasensya na sa pila nyo haha, Andrea lang sakalam.”

Ang aktres naman na si Dimples Romana, ay niregaluhan si Blythe ng isang Red mini refrigerator na isa rin sa matagal ng pangarap ng aktres na magkaroon sa kanyang kwarto.

“Itong usapan na ‘to, galing Kadenang Ginto pa. Sabi nya kasi, ano gusto mo sa bahay mo. Tapos sumakto sya sa birthday ko.”




Credit: Andrea B. Youtube

Bago matapos ay pinasalamatan naman ni Andrea ang mga taong sumusuporta sa kanya at ang mga nagbigay ng regalo para sa kanyang natapos na kaarawan.

“Gusto ko lang po ulit magpasalamat sa lahat-lahat ng sumusuporta sa’kin at nagmamahal sa’kin at nagbigay ng mga regalong ito para sa’kin. Sobrang halaga po nun para sakin.”