Richard at Lucy Torres-Gomez, masayang ipinagdiwang ang kanilang ika-23 Wedding Anniversary mula sa isang outdoor dinner setup.

Isang nakakakilig na Goma at Home episode ang iyong matutunghayan sa panibagong vlog, na inilabas ng dating aktor at kasalukuyang Mayor ng Ormoc City na si Richard Gomez.

Tila’y ang bagong episode na ito ay mas lalong naging espesyal dahil bukod sa ito ang unang beses na nakasama ni Richard ang kanyang asawa na si Lucy Torres-Gomez sa kanyang channel, ay ito rin ang selebrasyon ng kanilang ika-23 wedding anniversary.


Credit: @lucytgomez on Instagram

At bilang maagang selebrasyon ng kanilang anibersaryo ay kasa-kasama ni Richard si Lucy na magluto para sa kanilang dinner.

Sa kanilang pagluluto, ay ibinahagi ni Lucy na hindi siya lubusang makapaniwala na lalaki ng ganito at dadami ang suportang natanggap ni Richard sa Yt channel nito.

“You know I didn’t realize that it would grow to be this, this whole channel. It was something that you were not many people know kasi that you always cook.”




Credit: Richard Gomez Youtube

Malaki ang naging pasasalamat ni Lucy sa Panginoon dahil binigyan siya ng asawa na marunong magluto.

“I always thank God for a husband who cooks, because this wife can’t.”

Isang pasta salad at grilled tuna ang kanilang inihanda at pinagsaluhan mag-asawa.


Credit: Richard Gomez Youtube

Sa pagkahilig ni Lucy sa bawang ay nagawa pang magbiro ng aktor at kanyang sinabi na hindi daw sya lalapitan umano ng mga aswang, na ang ibig sabihin ay hindi raw sya malalapitan ng mga babae.

“Hindi lalapit yung multo at aswang, hindi ako aaswangin, Honey – Hindi ako lalapitan ng mga babae.”

Bilang tugon ni Lucy ay agad rin niyang sinabi na hindi raw ito mangyayari, dahil malakas daw ang pang-amoy nilang mga asawa pagdating sa mga babae.


Credit: Richard Gomez Youtube

“Ay! Hindi talaga, Honey – Binabalak pa lang nila, alam ko na.”

“Alam mo kaming mga asawa, nakaka-amoy ng mga aswang, de plano pa lang ninyo, ab0rt mission na.”

Inihalintulad naman ni Lucy ang personality ni Richard mula sa husay nito sa pagluluto, na siyang kanyang labis na nagustuhan sa asawa.


Credit: Richard Gomez Youtube

“Your cooking is like you, straightforward. Yeah not complicated. – You’re an easy man to love at, you didn’t like drama which I love.”

At hindi maaaring matapos ang kanilang masayang selebrasyon hangga’t hindi natitikman ang pagkaing sumisimbulo sa kanilang pagmamahalan, na siyang naging tradisyunal na sa kanilang dalawa sa tuwing sasapit ang kanilang anibersaryo.

“This is also part of our love story, ube ice cream and sprite.”




Credit: Richard Gomez Youtube

Ikinasal sina Richard at Lucy sa St. Peter and Paul Parish Church sa Ormoc City, Leyte noong taong 1998.

At bunga ng kanilang pag-iibigan ay dumating ang anak nilang si Juliana.