Heart Evangelista, umaapaw pa rin ang kagandahan sa kabila ng kanyang naging kaswal na kasuotan

Kung hanap mo ay mala artistahing ganda at mukhang hindi nakakasawa, ang aktres na si Heart Evangelista ay talaga namang bibihagin ang iyong puso sa kanyang angking ganda.

Ang pagiging mahusay na aktres ni Heart sa bawat teleserye at pelikula na kanyang ginagampanan, at ang pagiging mahusay na pintor ay talaga namang hinangaan at nagsilbing inspirasyon ng karamihan.


Credit: @iamhearte on Instagram

Ngunit maliban sa nakakabilib na talentong ito ng aktres, ay marami naman ang napabilib din sa kanyang pagiging fashionista, at ang ilan pa sa kanila ay siya ang naging idolo pagdating sa pagrampa ng kanilang mga kasuotan.

Madalas masilayan si Heart na nakasuot ng mga magagara at pormal na damit, mapa telebisyon man o social media ay talagang lumilitaw ang kanyang angking ganda.




Credit: @iamhearte on Instagram

Kaya naman nang ibahagi ng aktres ang kanyang casual outfit sa Instagram, ay marami ang namangha at hindi makapaniwala sa kanyang naging kasuotan.

Makikita sa larawang ito ni Heart na suot-suot niya ang isang blue sleeveless shirt, na tinernuhan ng denim pants na may disenyong cherry at ang suot niyang mamahaling sapatos na white sneakers ay talagang bumagay rin naman sa kanyang naging kasuotan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)


“Today is the youngest you’ll ever be 💙 #cidergan”

Mula sa naging kasuotan na ito ng aktres, ay hindi maitatanggi na sa kahit na anong kasuotan, ay mababakas pa rin ang kanyang angking kagandahan at ang pagiging sosyal ay hindi pa rin mawawala sa kanyang naging awra.

Kaswal man ang napiling pormahan ngayon ni Heart ay marami pa ring netizen ang natuwa at hindi napigilan ang kanilang paghanga para sa aktres.


Credit: @iamhearte on Instagram

“Rare footage of Heart in sneakers and casual jeans. I LOVE!!!!! ❤️”

“This the best of you Ms Heart the simple you is so so Champion ❤️❤️❤️❤️❤️”

“Kahit simple outfit, sosyal prin tgnan si hearty.🔥❤️”




Credit: @iamhearte on Instagram

“This carefree and bagets looks suits your face, body, and personality better. 😍”

“Living for that outfit. More street style please😍”