Coleen Garcia, hindi napigilang matawa at magbigay ng komento sa ginawa ng kanyang asawa na si Billy Crawford

Ang TV host na si Billy Crawford ay talaga namang hinangaan ng netizen ngayon, mula sa kaniyang pagiging hands-on Daddy sa kanilang panganay na si Baby Amari.

Simula ng maisilang ng kaniyang asawa na si Coleen Garcia ang kanilang panganay, ay dito na rin mas nakitaan si Billy ng kaniyang labis na pagmamahal at suporta sa kaniyang sariling pamilya.




Credit: @billycrawford on Instagram

Kaya naman sa bawat videos at larawan nila sa social media na sila ay magkakasama bilang pamilya, ay talaga namang isa ang Team Crawfords sa hinahangaan at nagbibigay inspirasyon sa karamihan.

Ngunit sa kabila ng pagiging hands-on Dad kay Amari at loving husband kay Coleen, ay hindi aakalaing nahumaling na rin sa pangongolekta ng mga NBA cards si Billy, na siyang tinawag niyang kanyang “Wonderful Signature”.


Credit: @billycrawford on Instagram

Sa video na ibinahagi ni Billy sa Instagram ay ipinasilip nito ang kanyang koleksyon na mga NBA cards, at mapapansin rin ang ilan sa mga ito ay may mga pirma pa mismo ng ilan sa mga sikat na NBA players.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Billy Crawford (@billycrawford)


At kung marami man ang nagulat at namangha sa mga koleksyong NBA cards na ito ni Billy, ay tila’y mas pumukaw naman sa pansin ng kanyang mga supporters ang ginawa nito sa hulihang bahagi ng kaniyang video.

Tila`y hindi lamang ang mga supporters ang natawa sa ginawang ito ni Billy, kundi pati na rin ang kanyang asawa na si Coleen ay hindi napigilan ang reaksyon nito sa ginawa ng kanyang asawa.


Credit: @billycrawford on Instagram

“Love ohmyghad! ‘Kakahiya ka”

Dahil sa ginawang ito ni Billy ay umani naman ito ng katatawanan at komento ang kanyang natanggap mula sa mga netizens.

“Air of excitement😅”




Credit: @billycrawford on Instagram

“😂😂 sounds familiar 😂”

“Utot is real. Hahaha”

Ikinasal sina Coleen at Billy sa Costa Del Sol na matatagpuan sa Balesin Island noong April 20, taong 2018.