Kim Chiu at Xian Lim, muling pinakilig ang kanilang mga tagahanga sa kanilang naging sweet at masayang bonding time

Ang aktres at Showtime host na si Kim Chiu kasama ang kaniyang kasintahan na isa ring aktor na si Xian Lim, ay muling pinakilig ang publiko sa kanilang naging sweet at masayang bonding time.

Tila’y wala nang makakapigil pa sa kanilang pag-iibigan sa kanilang mga sweet pictures na magkasama, mapa telebisyon man o social media ay marami ang natutuwa at kinikilig sa kanilang dalawa.


Credit: @chinitaprincess on Instagram

Busy man sina Kim at Xian sa kanilang mga trabaho, ay hindi naman naging hadlang ito para sa celebrity couple, upang masulit ang panahon na sila ay magkasama at maka-bonding ang isa’t-isa.

At bahagi nga ng kanilang masayang bonding moments ay ang pamamasyal at pagpunta sa iba’t-ibang lugar, sakay ang motorsiklo ni Xian at inilibot ang aktres sa loob ng kanilang village.




Credit: @chinitaprincess on Instagram

Sa larawang ibinahagi ni Kim sa kaniyang Instagram ay makikitang nakasakay ang aktres sa motorsiklo ni Xian at tila’y labis na nag-enjoy ang dalawa sa kanilang naging ride adventure.

“CHASED THE SUNSET AND WITNESSED THE MAGIC HOUR!!!🌅🌤🥰”

At upang mas lalo pang ma-enjoy ni Kim ang pamamasyal kasama si Xian, ay naisipan ng aktor na bilhan ito ng full gear para handa raw umano ang aktres sa tuwing aangkas sya ng motorsiklo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)


“Someone bought me a full gear para daw ready ako umangkas sa kanya!!!😅🏍😍 Thank you xiiiiiiii @xianlimm 💋 ang bigat ng helmet di talaga ako mauuntog nito!!!😜😅”

Sa kabila man ng pandemyang nararanasan sa bansa, ay sinigurado pa rin ng dalawa na maging ligtas, kaya naman pansamantalang sa loob ng village muna namasyal sina Kim at Xian.


Credit: @chinitaprincess on Instagram

“PS village-village muna tayo ah para sure!!!😅✌🏻 hihi #sigurista”

Sa kanilang masayang ride adventure na ito ay marami naman ang kinilig at isa na nga rito ang kanilang mga supporters na nagbigay ng komento sa kanilang naturang larawan.

“Wow naman!!! 😍 Kilig much!! ❤❤❤”




Credit: @chinitaprincess on Instagram

“Sweetest 😍😍😍”

“Couple goals😍😍😍”

“😍 ayan na nga ❤”