Toni Gonzaga, ipinasilip ang kanyang bagong renovate at sobrang gandang bathroom na kanyang hiniling sa kanyang asawa para sa kanilang anniversary

Ang bathroom ang isa sa mga pinaka ginagastusan na bahagi ng bahay at isa ito sa mga binigyang pansin at talagang pinaganda ng actress, singer at host na si Toni Gonzaga.

Sa kanyang nakaraang vlog ay makikita ang kanyang newly-renovated master’s bathroom. Talagang napakaganda at sophisticated ang design nito na akala mo ay nasa 5 star hotel ka.


Credit: Celestine Gonzaga-Soriano Youtube

Kaya naman, noong anniversary ni Toni G. At Paul Soriano ay ambis na luxury items ang ibigay ay rinequest talaga niya sa kanyang asawa ang renovation project ng kanilang masters bathroom.




Isang maximized space ang naging resulta ng proyektong ito mula sa disenyo at espasyo nito. Ito ay disenyo ng CreativSpaces na makikita talaga dito ang minimalist design nito.

“Paul asked me last year ano’ng gift daw ang gusto ko for our anniversary. And I just said don’t buy me shoes, bags, or jewelry. Just give me my dream all-white master’s banyo. So, I got Creative Spaces to help me come up with a design that can maximize the space that we have,” saad ni Toni.

Makikita sa master’s bathroom ang kanilang napakagandang lighting system na may kasamang voice command, reading nook, at state-of-the-art bathtub.

Mayroon din itong entrance papunta sa kanyang walk-in closet na kung saan makikita ang ang mga libro na binabasa din ni Toni.


Credit: Celestine Gonzaga-Soriano Youtube

Nakakamangha nga naman talaga ang bathroom na ito ni Toni. Talagang napaka class at nakaka enjoy gamitin ito. Masasabi mo nga namang ma cocomfort at masisiyahan ka sa paggamit nito.

Mismong si Toni G. ang nag tour sa atin sa kanyang bagong renovate na master’s bathroom. Ilan din sa ipinakita ni Toni ay ang laman at mga gamit sa mismong bathroom niya.




Credit: Celestine Gonzaga-Soriano Youtube

Tuwang tuwa naman ang mga netizens at na amaze sa napakaganda at full white na master’s bedroom na ito ng Soriano family.